CHAPTER 8√

21 13 0
                                    

Author's POV

Sabay- sabay sa pagpasok ang tatlong tauhan sa istoryang ito sa WESTERN MUNCHLANX UNIVERSITY.
Si Cris na nakakotse
Si Niel na naka motorbike

At si Steph na naglalakad

In the first place hindi nila napansin ang isa't- isa pero dahil sa napakatangkad ni Niel at Christian agad nilang napansin si Steph.

Nilapitan ng dalawang lalaki si Steph at kasabay nito ang paghila sa kamay ni Steph na ikinagulat niya. Napalingon siya sa dalawa and suddenly she realize na sina Christian at Niel lang pala. Akala niya daw kasi mga kidnappers.

"Anong ginagaw niyo?" tanong ni Steph sa dalawa.
Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki at parang nagkakaroon ng kompetensya sa bawat titig na binibitawan nila sa isa't- isa.
"Ewan ko sa isang 'to kung bakit ka hinawakan" ani ni Cris.
"TSS. Alam mo kasi classmate ko si Steph kaya kung ako sayo bitawan mo na siya kasi sabay kaming papasok. Ok?" sabi naman ni Niel.

"Eh ano ngayon kung magkaklase kayo? For your information ako lang naman ang matalik na kaibigan ni Steph. So if I were you, back off cause I don't fuck*n care kung kaano- ano ka niya." gigil na pagkasabi ni Cris.

Makikita sa dalawang mata ng mga lalaki ang pagkainis dahil sa pangyayaring naganap. Gusto na ata nilang magsuntukan ngunit pinipigilan lang nila ang isa't- isa sapagkat nasa harapan nila si Steph!

"TSS.. Anong problema niyong dalawa? At isa pa ba't niyo ba ako hinahawakan? Ganyan na ba talaga ako kaganda para pag- agawan niyo?" Pasigaw na sabi ni Steph sabay flip hair.
Napabitaw naman sa pagkakahawak ang dalawang lalaki.

"Ahh! Sige samahan mo na siya may pupuntahan pa kasi ako." sabi ni Cris
"Ahh hindi isama mo na siya my try- out pa pala kami." sabi ni Niel.
"Hindi sige na isama mo na siya" Cris

"TSS. Wag ka nang mahiya bro isama mo na siya" sabi naman ni Niel. At tinulak-tulak nila sa isa't-isa si Steph. Habang si Steph naman napasimangot dahil sa ginawa ng dalawa.
"Magsitigil nga kayo" sabi ni Steph tsaka nag walkout.
Nagkatitigan naman ang dalawa atsaka parang may sinasabi ang mata nila. Kumbaga 'kasalanan mo yun' ang mensahe nang kanilang mga mata. Sabay naman napairap ang dalawa tsaka sinundan na si Steph na ang bilis ng hakbang.

Tss. Paepal pa kasing isang 'to edi sana naibigay ko na kay Steph yung gusto kong ibigay. - sa isip ni Cris

Amputa. Kilala ko yan siya ehh. Pasalamat siya at may respeto pa ako sa kaniya dahil isa rin siya sa top star sa campus na ito at kung hindi kanina ko pa siya nasuntok.- isip naman ni Niel

Ano bang ginagawa ng dalawang 'to ba't ba sumusulpot agad- agad. Tss.. buti nga at iniwan ko sila doon- sa isip ni Steph at nilingon niya yung dalawa. Pero nagulat siya dahil nakasunod na pala ito. Kaya mas lalo niyang linakihan ang paghakbang niya at binilisan pa ito. Nang biglang nakaapak siya nang balat ng saging.

Na naging dahilan ng pagka slide niya.

Agad naman siyang nasalo ni...

Nasalo nina Cris at Niel na naging dahilan nang pagkaroon ng chismis sa paligid. Agad- agad na may kumuha ng picture at agad na umalis na.
Kaya biglang tumayo si Steph at inayos ang sarili.

"Pwede bang wag niyo na akong sundan" ani Steph
"At sino namang nagsabing sinusundan kita?" tanong ni Niel
"Oo nga! " pagsang- ayon ni Cris
"Eh ba't kung saan ako pupunta doon rin kayo?" tanong nito.
"Tss. Malamang iisa lang naman ang direksyon patungo ng classroom, kaya wag kanang mag- assume na sinusundan kita o namin" pilosopong sabi ni Niel. Inirapan naman siya ni Steph atsaka naglakad nalang uli. Napatakbo sila dahil sa ring na narinig.

(END OF AUTHOR'S POV/APOV)

Stephanie's POV

Dahil sa dalawang iyon bigla na akong nalate sa pagpasok sa silid- aralan. At ngayon nakapasok na ako dito at saka inayos ko na ang pagkaka-upo ko at nakita ko rin na papunta na rin si Niel sa kanyang upuan which is magkatabi lang kami. Bigla namang tumahimik ang lahat ng dumating si prof at may dala- dalang folder na kulay dilaw.

"A pleasant morning class! At this moment may bago kayong magiging kaklase kaya be good to them. Ok?x
" bungad ni Prof. Ano daw them. Wow ilan kaya sila.
"Pasok kayo" pagyaya ni prof sa mga transferee. At nagsimula nang magtilian ang mga kaklase at pati rin pala ako.
"Kindly introduce yourself"- sabi ni prof.
"HI BY THE WAY MY NAME IS.......

JOHN ANGELO GUITTIEREZ." sabi nung isa na nakatayo ang buhok. Wow ang cool niya.

"AND I AM......

(END OF POV)

Niel's POV

Nakita kung nagtilian ang mga babae dahil may mga transferees na lalaki pati itong katabi ko tumitili din. Nagpakilala na ang dalawa.

"HI BY THE WAY MY NAME IS JOHN ANGELO GUITTIEREZ."- sabi nung isa.
"AND I AM JOHN LUCAS GUITTIEREZ."- sabi naman nung isa na ash gray ang kulay ng buhok. Tss. Mas gwapo naman ako sa kanila.

And yes they are twins. Ang height pantay and kulay nang mga mata nila ay pareha. Basta masasabi mong identical twins talaga sila but hindi pa natin masasabi kung anong klaseng tao sila because bago lang naman sila dito malay natin may sa demonyo ang mga 'to.

"So both of you ay pwede nang umupo sa bandang dulo sa gilid ni Ms. Morgan" sabi ni Prof sabay turo sa kabilang row. Nasa 3rd row kasi kami kaya 4th silang dalawa.

(END OF POV)

Christian's POV

Iba ang direksyon ko sa direksyon na tinahak ng dalawa dahil nasa ibang classroom ako which is iba ang strand namin.

Habang tumatakbo ako patungo sa classroom nakita ko naman na pumasok na yung prof namin kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ko. Hindi pa ako nakakapasok narinig ko na agad ang hiyawan nang mga kaklase kong mga lalaki. Ano na naman bang meron? Parang may bago na naman sigurong estudyante.
Sa kabilang pinto na ako dumaan kasi nasa harap na si prof umupo na ako sa upuan ko at agad kong tinignan yung taong pinagsasabi ng mga kaklase ko. Teka nga lang muna I remember her.

Biglang nagprocess ang utak ko at dahan- dahang inaalala ang lahat. Now I know we're not that close pero nakita ko na siya ilang beses na rin. Una sa contest na nasalihan ko pangalawa sa park at pangatlo kahapon sa mall sa loob ng resto.
Wow ang galing naman nang utak ko.

"HEY GUYS I AM ANDREA DIEL NICE MEETING YOU ALL"- Sabi nito dahilan kung bakit nag- ingay na naman ang mga ibang lalaki. Hindi ko na pinakinggan ang sunod niyang sinabi dahil tumingin muna ako sa labas ng bintana. Di ko namalayan na ipinatabi na pala siya sa akin. Tss.

(END OF POV)

Who's that Girl? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon