Willingness

5.3K 123 7
                                    

Chapter 64

Kinabukasan sinadya ko si kyla sa coffee shop nito bago ako umuwi..

Nagpatulong ako para mapapayag ko si jema na sumama sa tagaytay..

Nang pauwi na ako ay nag message si ricci na mag kita daw kami..

Tiningnan ko ang oras medyo maaga pa naman kaya pumayag ako..

Oh bakit??tanong ko agad ng magkita kami sa isang coffee shop..

Minsan happy happy naman tayo..ang sabi ni ricci.

Malabo ata yan kase masyadong mahigipit si jema ngayon eh..

Bakit naman??tanong ni ricci..

Ewan ko basta ayaw niya na sumasama ako sayo..

Di nga niya alam na kasama kita ngayon sigurado pag nalaman niya patay na na naman ako..

Hay naku deanna huwag mo sinasanay ng ganyan si jema kailangan may kalayaan ka rin para sa sarili mo..

Mahirap ata yun ngayon pa nga lang di na ako makalusot eh..
Tsaka ayaw ko naman siya nagagalit dahil dun kaya kung ano gusto niya eh di susundin ko para wala kami problema.

Eh di labas mo niyan under de saya ka??

Di naman siguro...

Ganun labas nun deanna...kaya kung ako sayo ngayon pa lang dapat ikaw na ang nasusunod..

Baka pag ginawa ko yun eh lagi ako sa labas ng room namin matulog..

Eh bakit di kana lang kase mag asawa ng lalaki??tanong ni ricci..

Alam mo naman never akong nagkagusto sa guy..

Eh deanna paano kung may isang guy na umamin sayo na mahal na mahal ka ano gagawin mo??

Wala...siyempre kahit mahal niya ako mas pipiliin ko yung mahal ko kase dun ako magiging masaya..

Napakamot ng ulo si ricci...patay wala yata talaga akong pag asa kay deanna..

Sige ricci una na ako..sigurado hinihintay na ako ni jema..tsaka andun din sa bahay sila mommy..

Ah ganun ba...sige ingat ka..regards mo nalang ako kila tita at tito..

Sige makakarating...at umalis na nga ako..

Pag uwi ko naka abang na agad si jema...
Diko alam pero parang lakas ng pang amoy niya...

San ka galing??bungad na tanong nito..

Sa office siyempre...saan pa ba??sagot ko naman..

Sure ka???tanong ulit nito..

Oo..

Sinungaling!!pa dabog na tumayo si jema at umakyat..

Uy!san ka punta??mag dinner na diba???

Wala na akong gana!!!kumain ka mag isa mo!!

COMPLICATED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon