FAILED

5K 122 10
                                    

Chapter 57

Ngayon ang nakatakdang operasyon ni jema..lahat kami ay nag hihintay ng resulta...bago siya operahan ay dumaan ako sa chapel na nasa loob ng ospital...

Kasama ko ang mga magulang ni jema at kapatid nandito din si kyla para samahan kami..

Deanna...magtiwala lang tayo alam ko ma makakakita pa ulit si jema...

Yun din ang hiling ko kyla sana ay gumaling na siya ayoko na nakikita ko siya ng ganun kung pwede nga lang na ako nalang gagawin ko...

Deanna huwag lang tayo mawalan mg pag asa...tsaka huwag na huwag mo ipapakita kay jema na ganyan ka para hindi manghina ang loob niya..

Nasa operating room na si jema abot abot ang kaba ko habang nasa loob siya...
Sana maging succesful...sana lord...dasal ko habang naghihintay...

Ilang oras ang inabot ng operasyon at lumabas na ang doctor..lahat kami napatayo para itanong kung ano ang lagay ni jema..

Doc ano pong lagay ng anak namin kamusta ang operasyon..tanong ni tatay dito..

Maayos naman po ang lagay ng anak ninyo..at bukas pa malalaman kung naging succesful ang operation kapag inalis na ang benda sa mga mata niya..

Matapos sabihin ng doctor ang kalagayan ni jema ay umalis na ito..

Nag hintay na naman kami para mailipat si jema sa kwarto nito..

Baby...kamusta pakiramdam mo??tanong ko kay jema magising na ito..

Ok naman...ano sabi ng doctor??

Eh bukas pa daw malalaman eh..sagot ko kay jema..

Palagay mo ano magiging resulta??nagulat ako sa tanong ni jema..

Siyempre ano pa ba iisipin at aasahan ko siyempre positive diba..

Eh paano kung hindi??

Hay naku bb huwag mo iisipin ang ganyan ok..sabi nga nila think positive..
Tsaka huwag kana malungkot ok..

Paano naman ako di malulungkot kung ganito ang kalagayan ko.malungkot na sabi ni jema..

Baby naman..huwag kana man ganyan oh..kung pwede lang nga na ako nalang na aksidente eh...ayoko nakikita ka na ganyan...pinunas ko ang mga luhang tumulo sa mata ko...

Alam ko na kahit hindi ako nakikita ni jema ay alam niya kung gaano kalungkot ang mga mata ko ngayon..

Maghapon ako nag bantay kay jema...pinagtatabuyan niya na nga ako pero wala akong balak na iwan siya dito..

Sinamahan naman ako nila nanay at tatay dito kaya medyo hindi ako nainip..

Kinabukasan na kami...ngayon kase aalisin ang benda ni jema sa mga mata niya..

Kinakabahan ako sobra...kasama na namin ang doctor..

Ready kana ba jema??tanong ng doctor dito.....

Opo doc...sagot ni jema..

Nasa tabi ako ni jema hawak ko ang kamay nito..

Dahan dahan na tinatanggal ang benda nito...

Ngayon jema dahan dahan mong imulat ang mga mata mo....ang sabi ng doctor dito..

Sinunod naman ito ni jema...
Pero....

Bakit madilim...bakit madilim parin wala parin akong makita...naiiyak na sabi ni jema..

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nito.

COMPLICATED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon