You chose me

4.8K 122 4
                                    

Chapter 36

Bumalik nga kami sa bahay nila deanna kahit na ayaw ko pero wala ako magagawa dahil gusto ni deanna..
Pero bago kami bumalik ay kumain muna kami sa labas ni deanna..

Inisip ko nalang na huli na ito...kung ayaw talaga ng mommy niya sakin wala ako magagawa....

Pag dating namin ay  tulog na ata ang mga tao..diretso kami ni deanna sa kwarto niya..

Baby pahinga kana sabi sakin ni deanna..

Lumabas ito ng kwarto diko na siya tinanong kung bakit siya lalabas eh tulog naman sila..

Nahiga ako sa kama habang hinihintay siya na bumalik..

Dahil sa pagod ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako..

Samantala si deanna ay pumasok naman sa kwarto ng mga magulang  niya...
Alam niya na gising pa ang mga ito..

Mommy tawag niya dito..

Oh mabuti naman at umuwi kana ang sabi ni mommy sakin..

Mommy bakit niyo naman sinampal si jema??may nagawa ba siyang masama sa inyo para gawin niyo yun??

Inuwi mo na naman ba ang babaeng yun dito??
At ngayon pinagtatanggol mo pa siya!!!

Mom!!!sa ginawa niyo lalo niyo lang inilalayo yung loob ko sa inyo..
Halos maiiyak na sabi ni deanna dito..

Deanna bakit ganyan ka na umasta at sumagot sa mommy mo!sita ni dad sakin..

Mom,dad bakit ba di niyo nalang ako tanggapin kung ano ako at ano ang pagkatao ko!!pagod na pagod na ako eh..buti pa nga yung ibang tao tanggap ako kayo na mga magulang ko kulang nalang itakwil at pandirihan niyo ako!!di na napigilan na sabi ni deanna habang patuloy na tumulo ang luha nito..

Isang sampal mula sa daddy niya ang natanggap niya...

Ganyan ba ang tinuturo ng jemang yan sayo!!di ka naman namin pinalaki ng ganyan tapos ngayon gaganitohin mo kami ng mommy mo!

Bakit dad ako ba tinatrato mo pa ba akong anak??
Simula nung malaman niyo na tomboy ako diba kayo na nagpatakbo ng buhay ko halos lahat ng gusto niyo dapat gawin ko.. tulad ng pagpapakasal dun sa anak ng kaibigan niyo!!hindi niyo man lang inisip yung mararamdaman ko..

Ang sakit dito... sabay turo ni deanna sa dibdib niya..

Kailan ba ako magiging malaya sa paningin niyo??kailan niyo ba matatanggap na ganito ako??

Hanggat hindi ka nag babago!!galit na sabi ng mommy nito..

Mom huwag na kayo umasa dahil hinding hindi na mangyayari yung gusto niyo!!sigaw na ni deanna sa ina..

At maya maya ay dumating na yung mga kapatid ni deanna sa kwarto ng kung saan sila nag tatalo..

Lahat nakatingin sila dito ng may pag tataka..

Mamili ka yung babae na yun or kami ng family mo!!biglang sabi ng ina nito..

At gusto niyo talaga akong pumili sabay punas ng luha sa mga pisngi nito .

COMPLICATED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon