Mula sa pinong buhangin hanggang sa preskong hanging malalanghap sa isla Verde ay pagmamay-ari ng pinakabatang bilyonaryo ng bansa na si Luke Mon Verde.
Isa lang sa mga ari-arian niya ang isla Verde na pinakasikat na get away place ng mga mayayamang handang magwaldas ng limpak-limpak na salapi.
Masyadong mailap sa media si Luke dahil napakapribado ng personal na buhay nito.
Tanging alam lang ng mga tao ay ito ang nag-iisang may-ari ng Mon Verde Group of Companies.
Walang nagtanong kung paanong nangyaring ang isang 25 years old na binata ay biglang sumulpot upang pamahalaan ang kompanyang halos ilang dekada nang namayagpag sa kasikatan at kaunlaran at hawak nito ang mga dokumentong magpapatunay na siya ang may-ari ng buong kompanya.
Wala ring komontra o umangal nang may mga patakaran siyang binago sa loob ng kompanyang inaangkin niya.
Sa halos isang taon palang niyang pamalakad sa kompanya niya ay tuluyang narating nito ang tugatog ng tagumpay.
He's a real genius in the field of business!
Kung may isang tao mang nakakilala sa kanya ay tiyak iyon ang personal assistant niyang si Ms. Kim Hernandez na siyang tanging laging nakikitang kasa-kasama ni Luke Mon Verde mula nang sumulpot siya sa Mon Verde Group of Companies.
Kung di lang dahil sa makalumamg pag-aayos ng nasabing personal assistant ay pagdududahang higit pa sa trabaho ang relasyon ng dalawa.
Pero sa ayos ni Ms. Kim na malaking salamin sa mata at balot na balotna kasuotan ay imposibleng lilingunin ito ng isang Luke Mon Verde na may mga matang kasing berde ng ng dahon at mukhang parang nililok ng pinakamagaling na sculpture.
Idagdag pa ang katawang parang humango mula sa isang magazine. Pormahang patataubin ang mga sikat na modelo at mga artista kaya halos lahat ng mga babae ay gustong mapansin ng isang Luke Mon Verde.
Pero, may mesteryong nakabalot sa kakisigan ni Luke. Ilang mga babaeng napabalitang napalapit sa kanya ang parang mga bulang naglaho bigla.
Walang lead at ebidensiyang pwedeng magturo kung nasaan ang mga ito pero iisa lang ang koneksiyon ng mga nawawala- si Luke Mon Verde.
Itinuturo ng mga pamilya ng biktima si Luke bilang prime suspect pero walang ebidensiyang magdidiin sa kanya.
Kaya habang dumadami ang mga nawawala ay di naman nababawasan ang pila ng mga babaeng gustong masulyapan ng isang Luke Mon Verde.
Isa si Cecil sa mga naiwang pamilya ng mga babaeng biglang naglaho.
Ate niya si Grace Sanchez na 1 year nang nawawala.
Dalawa lang silang magkapatid at ulila na sila sa mga magulang. Sa isang malayong kamag-anak sila lumaki hanggang naisipan niyang pumasok sa seminaryo at magmadre.
Pero nang matanggap niya ang balitang nawawala ang kapatid niya ay walang pagdadalawang isip niyang iniwan ang seminaryo at ang pangarap na maging alagad ng Diyos upang hanapin ang nag-iisang kapatid.
Gagawin niyang lahat matagpuan lang ang kapatid kahit na ang pasukin ang misteryosong mundo ni Luke Mon Verde.
Handa niyang languyin ang Isla Verde para marating ito at makaharap ang lalaking minsang inibig ng nag-iisa niyang kapatid na siyang itinuturo ng lahat na dahilan ng pagkawala nito.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye!
General Fiction"Goodbye is the hardest way of saying I Love You"