chapter 8

3.5K 85 4
                                    

"Di ba sabi ko sa iyo na ayusin na iyong mga nasa greenhouse at sa toolshed?"

Napalapit ako bigla dahil sa narinig kong galit na boses mula sa library ng mansion.

Paakyat sana ako sa taas ng opisina ni Luke pero dahil sa narinig ko pagdaan ko dito at nakuha nito ang kuryosidad ko.

"Pero alam mo namang magagalit siya pag pinakialaman natin ang mga inilibing niya doon."

Agad kong sinilip kung tama bang boses ni Ate Bonie at Ms. Kim ang naririnig kong nag-uusap.

"Eh anong gusto mong mangyari? Ang sama-sama tayong madamay sa mga pinaggagawa niya doon?", gigil na sabi ni Ate Bonie.

Siya nga iyong kausap ni Ms. Kim sa loob ng library pero sino ba ang pinag-uusapan nila.

"Hanggang kailan ba natin siya pagtatakpan?", tila ay napapagod na sabi ni Ms. Kim.

" Bakit? Kaya mo na ba siyang isuplong sa awtoridad? Handa ka na bang makita ang pinakamahalagang tao sayo sa likod ng rehas?", tanong naman agad ni Ate Bonie.

Lalong gusto kong malaman kung sino ang pinag-uusapan nila.

"Iyon nga ang nakakainis eh! Kahit pagod na ako at nakokonsensiya ay hinayaan ko parin siyang gawin ang mga pinaggagawa niya kasi alam kong madadamay iyong taong pinakaimportante sakin!", naiinis na saad ni Ms. Kim.

" Kahit di mo aminin ay masaya ka naman sa mga ginawa niya dahil para narin siyang nalibang at bahagya ka niyang nakakalimutan kaya nakakasama mo ang taong gusto mo."

"Tumahimik ka nga! Kahit kailan ay di ko ginustong may masamang mangyari sa mga babaeng iyon!", mariing sabi ni Ms. Kim .

Gulat akong napaatras dahil sa narinig ko.

May alam sila sa nangyari sa mga babaeng nawawala. Siguradong may alam din siya sa pagkawala ni Ate Grace.

Napasinghap ako ng malakas nang may biglang humawak sa kamay ko.

" Huwag kang maingay.", bulong ni Lisa na siyang humawak sa kamay ko.

Hawak-hawak niya ang kamay ko hanggang nakababa kami ng mansion at lumiko kami papunta sa lumang bodega katabi iyong mga quarters ng mga katulong.

"Anong ginagawa natin dito?", nagtataka kong tanong.

" May ipapakita ako sayo.", sagot nito habang may binuksang trapdoor sa isang gilid ng pader.

Gusto kong magtanong kung anong ginagawa ng trapdoor na iyon dito sa bodega pero di ko nagawa iyon dahil hinila na ako ni Lisa papasok sa loob ng bodega.

Maalikabok ang loob ng bodega at wala naman akong napapansing kakaiba  sa paligid.

Para lang itong normal na bodega ng mga lumang gamit pero napatanga ako nang may isa na namang trapdoor  na nabuksan si Lisa.

"Aksidenti ko lang natagpuan ang lugar na ito nang matisod ako sa trapdoor na ito.", agad na paliwanag nito at kinawayan akong lumapit.

Isang hagadan pababa ang nasa likod ng trapdoor. Mukhang di ito isang ordinaryong bodega lang dahil mayroon itong underground.

Seninyasan ako ni Lisa na sumunod sa kanya pababa ng hagdan kaya agad akong sumunod.

Kasing lawak ng taas ang ilalim pero mas malinis dito dahil maingat na nakasalansan lahat ng mga kagamitang nandito.

Para ring may naglilinis dito.
Isang lumang album ang nakabuklat sa isang mesa na siyang tinitingnan ni Lisa.

" Tingnan mo ito.", isang partikular na larawan ang pinakita niya sa akin.

I Love You, Goodbye!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon