chapter 5

3.7K 83 3
                                    

Nagkaroon ako ng oras na makipagbonding sa ibang mga kasambahay ng mansion dahil naging abala si Luke at Ms. Kim sa trabaho.

Marami na palang kasundo si Lisa sa mga kasamahan namin kaya pinakilala niya ako.

Nakakatawa nga dahil nakasundo ko agad sila. Iyon nga lang lagi nila akong tinutukso kay Luke.

"Alam mo Cecil, ikaw ang pinakamaganda sa naging girlfriend ni Sir Luke.", nakangiting sabi ni Ate Melva , isa sa pinakamatagal na nanilbihan dito sa mansion.

" Hindi ko nga siya boyfriend. Iyong kapatid ko ang girlfriend niya.", paliwanag ko.

"Hay naku, matagal nang wala sila ni Ma'am Grace noh. Mula noong bigla nalang di dumating si Ma'am sa engagement party nila ni Sir.", kwento naman ni Ate Inday.

" Kilala mo si Ate?", tanong ko sa kanya.

"Oo, minsan nang nadala dito ni Sir iyong kapatid mo. Alam mo hawig kayo pero mas maganda ka nga lang.", sagot ni Ate Inday.

" Wala ba kayong nabalitaang ibang kaibigan niya dito?"

"Mabait si Ma'am Grace pero di ko siya napansing may malapit na kaibigan. ", napaisip na sabi ni Ate Inday.

" Pero, may kilala akong galit na galit sa kanya.", pabulong na sabi ni Ate Melva.

Di ako makapaniwalang napatingin kay Ate Gemma dahil wala namang naikwentong kaaway si Ate Grace sa akin.

"Sino?", nagtataka kong tanong.

" Si Ms. Kim.", si Ate Gemma ang sumagot sa tanong ko at nagsitanguan naman sina Ate Inday at Ate Melva.

"Hala, iyong masungit na parang principal na assistant ni Sir Luke?", gulat na sabat ni Lisa.

" Sssh..hinaan mo ang boses mo, baka marinig ka. Di lang naman ang Ate mo ang pinag-iinitan niya palagi kundi pati iyong dating mga naging karelasyon ni Sir.", kwento ni Ate Inday.

"Nakakapagtaka ngang lahat sila ay bigla nalang naglaho.", sambit ni Ate Gemma.

Parang may kabang biglang umusbong sa dibdib ko. Nawala silang lahat tulad ng nakalap kong balita. Katulad din sa nangyari kay Ate Grace.

"May mga kumakalat ding balita na may kinalaman daw si Sir sa pagkawala nila.", pabulong na sabi ni Ate Melva.

" Wala naman silang pruweba kaya di talaga nila madidiin si Sir. Isa pa, wala namang naniwala sa amin na may kinalaman doon si Sir eh.", sabi ni Ate Inday.

Hanggang ngayon ay di pa natagpuan ang mga nawawalang iyon. Natatakot akong magagaya sa kanila si Ate Grace.

"Sandali lang, punta lang ako ng CR.", paalam ko sa kanila kasi ramdam kong malakas ang epekto sakin ng mga narinig ko.

Mabilis ko silang iniwan na patuloy sa pagkukwentuhan.

Nanikip ang dibdib ko kaya imbes na sa CR ako pupunta ay lumabas ako ng quarter kung saan kami nagkukwentuhan at pumunta sa malaking garden ng mansion.

Naglakad-lakad ako sa malawak na garden hanggang sa mapadpad ako sa parang maze na nasa pinakagitna.

Gawa sa naggagandahang namumulaklak na mga halaman ang maze na hanggang baywang ko lang ang taas at mayroong magandang fountain sa pinakagitna.

Habang naglalakad ay may napansin akong kumislap sa nilalakaran ko.

Out of curiosity ay pinulot ko ito. Kunot-noo kong pinagmasdan ang isang pares ng hikaw.

Medyo may bahagi na nito na nangingitim siguro dahil sa katagalan nito sa pinagpulutan ko pero di parin maikakailang mamahalin ito.

Siguro, isa sa mga bisita ng mansion ang may-ari nito. Naiwala siguro ito matapos naglalakad dito iyong may-ari. Akmang ibabato ko sana ulit ang napulot ko nang may napansin ulit akong umusli mula sa puno ng isang halaman doon na parang binaon doon.

Inilibot ko muna ang paningin ko kung mayroon bang ibang tao at nang masiguro kong nag-iisa lang ako ay agad akong yumuko upang hilain ang umusling bahagi ng hinuhulaan kong isang bag.

Tama nga ang hula ko. Isa itong pambabaeng bag.

Anong ginagawa nito dito sa garden?

Siguro ay matagal na itong nakalibing dito pero dahil mamahalin ang materyales na ginamit sa bag ay di lubusang naapektuhan ang laman ng bag.

Lipsticks, makeup kit at isang wallet ang laman ng bag.

Nang buklatin ko ang wallet ay may laman itong mga identification cards, atm cards at ang kumuha na atensiyon ko ay ang larawang naroon.

Larawan ni Luke kasama ang isang magandang babae na siya sigurong may-ari ng bag.

Kinakabahan akong nagpalingalinga sa paligid dahil pakiramdam ko ay isang mahalagang bagay ang natuklasan ko na pilit inilibing ng sinumang may gustong pagtakpan.

Mabilis kong binulsa ang wallet at binalik sa pinaghukayan ko ang bag.

Nanginginig ang tuhod kong mabilis akong tumayo at binaybay ang pinanggalingan ko kanina papasok dito sa maze.

Sa kaba ko na baka may makapansin sakin mula sa mansion ay dumaan ako sa pinakamalayong daanan na di matanaw mula sa mansion.

Medyo madilim dito dahil wala gaanong ilaw pero sakop parin ito ng garden dahil nandito ang toolshed at greenhouse na di na ginagamit.

Binaybay ko lang ang gilid ng toolshed dahil malapit lang dito iyong bodega ng mga lumang gamit pagkatapos ay iyong quarters na namin.

Malapit na akong lumagpas sa toolshed nang matalisod ako sa parang maliit na bundok ng lupa.

Maliban sa gasgas sa tuhod ay wala na akong ibang natamo matapos madapa.
Di ganoon kadilim para di ko makita kung ano ang dahilan ng pagkatalisod ko.

Napahawak ako sa bibig ko upang di umalpas ang sigaw ko dahil sa nakita.

Nakausling sapatos ang dahilan ng pagkatalisod ko pero di iyon ang gumulat sa akin kundi ang buto  na nakasuot sa sapatos.

Wala naman sigurong hayop na nagsusuot ng sapatos na pambabae di ba?

Mabilis akong napasign of the cross dahil siguradong tao ang nagmamay-ari ng butong nasa harapan ko.

Hindi naman siguro ito sementeryo dahil walang palatandaang krus upang magsasabing isang puntod itong nadaanan ko.

Alam ba  ng mga tao sa mansion na may inilibing na patay na tao dito sa likod na bahagi ng garden.

May alam ba dito si Luke?  Sa hitsura ng pagkakalibing ay mukhang minamadali lang ito dahil di maayos ang pagkakatabon dito.

Ang tanong, sino ang may-ari ng katawang inilibing dito?

Paika-ika akong tumayo at halos patakbong bumalik sa quarter na tinutuluyan ko.

Di ako natatakot sa patay, ang kinatatakutan ko ay ang sinumang naglibing nito doon.

Pagpasok sa tutulugan kong silid ay wala pa doon si Lisa, siguro nasa kabila pa siya kung saan ko siya iniwan kanina.

Agad kong hinanap ang cellphone ko. Nanginginig ang mga daliring hinanap ko ang number ni Sir Anthony ang pulis na siyang may hawak sa kaso ng Ate ko at sa iba pang mga nawawalang babae.

Agad kong tinawagan si Sir Anthony nang makita ko ang number niya.

"Sir, n-nandito po ako ngayon sa Isla Verde. Sir, nakita ko po dito ang pitaka ni  Ivy Villaluz, iyong pinakaunang babaeng nawawala.", nanginginig ang boses kong sabi habang nanlalabo dahil sa luha ang mga mata kong nakatitig sa nakangiting mukha ni Ivy Villaluz sa larawan kasama si Luke.

Naisaulo ko ang lahat ng mga nawawalang babae sa pagbabakasakaling isa sa kanila ay kaibigan okakilala ng Ate ko.

Ivy, ikaw ba talaga itong babae sa larawan? Ikaw naman siguro ito dahil mga ID cards mo naman ang nandito kasama ang larawan.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko nang marinig ang nag-alalang boses ni Sir Anthony.

Hihintayin ko daw siya dahil pupuntahan niya ako.

Abot-abot ang dasal ko na sana ay hindi isa man sa mga nawawalang babae ang nagmamay-ari ng nakita kong bangkay.

Dahil ayaw kong tanggapin na baka ganuon din ang dadanasin ng kapatid ko.

I Love You, Goodbye!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon