chapter 6

3.8K 84 3
                                    

Kinabukasan ay wala parin ako sa sarili habang tumutulong sa mga gawain sa mansion.

Wala pa kasing iniutos sa akin si Luke kaya wala parin akong ginagawa. Nakakahiya namang maghapon lang akong manonood sa mga kasamahan kong nagtatrabaho.

Di ko rin siya napansin simula kahapon at pati nga si Ms. Kim ay di ko napansin.

"Sino sa inyo ang nagtangkang pumunta sa bahagi ng garden na pinagbabawal kong puntahan.", umaalingawngaw ang galit na boses ni Ms. Kim sa buong mansion.

Nang silipin ko kung sino ang tinatanong niya ay nakayukong mga kasamahan ko ang naroon.

Namumula sa galit si Ms. Kim at nakakuyom ang mga kamao nito.

" Sumagot kayo!", muli ay sigaw nito.

Walang sinuman ang nagsalita kaya pinagpawisan akong nakatingin sa kanila.

Kinakabahan din ako dahil mukhang ang tinutukoy nito ay ang pinuntahan ko kagabi.

"Oras na malaman kong may isa sa inyo ang lumabag sa utos ko ay mananagot kayo sa akin.", nanlilisik ang mga matang banta nito.

" That's enough Kimmy, baka may nakapasok lang na ligaw na hayop doon sa garden mo. Huwag mo nang takutin ang mga katulong ko dahil sigurado akong wala naman siguro silang ginalaw sa mga seedlings mo doon sa greenhouse. ",

Nakahinga ako ng maluwang nang tuluyang sumama kay Luke si Ms. Kim matapos magbilin ng nagbabantang mga tingin.

Nang tuluyang makalayo si Ms. Kim ay tsaka pa nakahinga ng maluwang iyong iba.

" Grabe, nakakatakot talaga siya!", hingal na sabi ni Ate Inday.

"Sino ba naman kasi ang gumala doon sa forbidden garden ni Ms. Kim! Hayan tuloy nagbuga ng apoy ang dragon! Nadamay pa tayo.", napakamot na sabi ni Ate Gemma.

" A-ano pong forbidden garden? Bakit po bawal pumunta doon?", interesado kong tanong.

"Forbidden garden ang tawag namin sa pinakadulong bahagi ng garden kung saan nandoon ang toolshed at greenhouse na di na ginagamit mula noong namasukan ako dito.", kwento ni Ate Melva.

" Bakit po? Ano pong meron doon?", tanong ni Lisa.

"Ewan, walang nakakaalam. Basta ang kwento ng dating palihim na nakapuslit doon ay marami daw doong mga flowerbeds na di pa tinutubuan ng mga halaman kaya para daw itong mga puntod.", nakatawang sagot ni Ate Melva.

" Di pa po kayo nakapunta doon?", tanong ng isang baguhan.

"Naku, wala namang magandang idudulot kung pupunta ako doon. Tiyak sasabunin ako ni Madam Bonie at babanlawan ni Ms. Kim.", naiiling na sagot ni Ate Melva.

" Nasaan na po iyong dating pumuslit doon?", tanong ko.

"Umalis na iyon dahil nakipagtanan. Di ko na alam kung nasaan na iyon.", kibit-balikat na sagot ni Ate Melva.

" Pero, itong pinakamalupet... May dati kaming kasamahan dito noon na nakapasok diyan sa forbidden garden ni Ms. Kim at parang takot na takot na agad nagpaalam na umuwi kinabukasan. Di na nga namin natanong kung anong kinatatakutan niya doon.", kwento ni Ate Gemma.

"May balita ka pa ba sa kanya ngayon?", tanong ni Lisa na katulad ko ay mukhang interesado sa kwento ng mga nakatatandang nauna sa amin dito.

" Wala na, huli ko siyang nakita noong hinatid siya ni Ms. Kim pauwing Maynila.", sagot ni Ate Gemma.

"Siguro naman, may alam si Sir Luke sa forbidden garden na ito ni Ms. Kim, di ba?", tanong ni Sally, isa sa mga baguhan.

" Oo naman, para kaya kay Sir Luke ang mga itinanim doon ni Ms. Kim", biglang sagot ng binatang hardinero ng mansion.

I Love You, Goodbye!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon