chapter 2

4K 95 4
                                    

"A-ang bastos mo!", naiinis kong sabi sabay tulak sa kanya.

Imbes na tumigil ay tumawa lang ito at tuluyang sinapo ang umbok ng pang-upo at mas pinag-igi ang pagpisil dito ni hindi nga natinag sa pagtulak ko.

"Kabastusan na ba ito , Sister? Sino ba namang madre ang may katawang pang porn star?", salubong ang kilay na tanong nito na para bang kasalanan ko pa at binabastos niya ako ngayon.

"Bitiwan mo ako!", matigas kong sabi habang pilit na nilalabanan ang init na lumukob sa buong katawan ko dahil sa mga palad sa pang-upo ko.

" Ayoko nga! Hanggat hindi lumilitaw ang kapatid mo dala-dala ang pera ko ay mananatili ka sa tabi ko Sister at ikaw ang magbabayad sa interes ng ninakaw niya.", nang-uuyam nitong sabi.

" Ano? Nagbibiro ka ba? Wala akong kinalaman sa sinasabi mong ninakaw ng kapatid ko tapos ako ang pagbabayarin mo? Gaano ba kalaki itong perang sinasabi mo?", gilalas kong tanong at bahagya nang napaungol sa dulo nang mas lalong dumiin ang pagmasahe nito sa pang-upo ko.

"Interes lang ang babayaran mo Sister dahil ang magbabayad ng kabuuan ay ang mismong kapatid mo! And we are talking 10 million dollars. Barya lang iyan sakin pero di ko mapapalampas", mariing sabi nito.

Napahinga ako ng malalim sa laki ng perang ibinintang sa kapatid ko. Di parin ako naniniwalang magagawa iyon ng kapatid ko.

" Ano namang gagawin ni Ate sa ganun kalaking pera?", nanghihina kong tanong.

Nanghihina dahil sa laki ng halaga at dahil ramdam ko rin na tuluyan nang pumasok sa loob ng blouse ko ang isa sa mga pangahas na kamay ni Luke.

Di ko maisip kung paanong nakakausap niya pa ako ng matino gayong kinukuha ng mga kamay niya ang katinuan ko.

"Sister, masyadong ambisyosa ang kapatid mo! Wala akong pakialam kung saan niya ginamit ang pera basta maibalik niya lang ito sakin ng buo ay pag-iisipan ko kung hahayan ko ba siyang mabuhay o idagdag ko nalang sa interes ang buhay niya! Di ko lubos maisip kung paanong muntik ko pang pakasalan ang babaeng iyon..", galit na sabi nito pero magaan naman ang bawat haplos ng kamay niya sa balat ko.

Ngayon, malinaw na sakin na nagagalit itong si Luke sa kapatid ko di dahil ninakawan siya nito kundi dahil mahal niya ang kapatid ko kaya di niya matanggap ang ginawa nito.

" Mr. Mon Verde, naiintindihan ko po kayo.", mahinahon kong kausap dito.

Ganito kasi iyong tinuro sa amin doon sa loob ng seminaryo, madadaan ang lahat ng bagay sa mabuting usapan.

Saglit na natigil sa paglalakbay sa katawan ko ang kamay nito at kunot-noong napatitig sa mukha ko.

"Really?", nakangisi nitong tanong.

" Opo. Nasaktan lang po kayo sa nagawa ng kapatid ko dahil mahal niyo po siya pero nasisiguro ko pong may paliwanag si Ate-"

Nabitin sa ere ang iba ko pang sasabihin dahil lumapat na sa mga labi ko ang mga labi ni Luke.

Mabilis na nakapasok sa nakaawang kong bibig ang mga dila niya at ginalugad ang buong bunganga ko.

Napaungol ako nang sipsipin niya ang dila ko at kagatin ang mga labi ko.

"Such sweet lips you have pero di ko gusto ang mga lumalabas na walang kwentang salita diyan Sister. Di ako nasaktan sa ginawa ng kapatid mo! I'm mad and livid! Alam mo naman siguro ang kaibahan, di ba? Besides, I prefer to have a church girl like you."

Halos kilabutan ako sa dumaang emosyon sa mga mata niya habang pinasadahan ng tingin ang buong mukha ko.

"Pinlano mo bang mapunta ako dito?", kinabahan kong tanong.

I Love You, Goodbye!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon