chapter 11

5.9K 148 24
                                    

Napagdesisyunang, walang kasong isasampa kay Alvin o Luke Mon Verde dahil sa kakulangan nito sa tamang pag-iisip.

Maging kay Kim Hernandez ay walang kasong isinampa dahil biktima din siya ni Joel Mon Verde.

Pareho sila ng tunay na Luke Mon Verde na sumailalim sa matinding stress debriefing , counseling at mga therapies.

Mas metikuloso nga lang ang ginagawa sa tunay na Luke o kilala sa tawag Alvin dahil isinaalang-alang ang sensitibo niyang kalagayan sa pag-iisip.

Tuluyan naring isinara ang mga establishment sa isla Verde at binuksan sa publiko ang malawak na libingang dating binansagang forbidden garden.

Nakakapangilabot ang natuklasang mga nakalibing na bangkay sa lugar.

Halos di rin makapaniwala ang mga awtoridad nang ibigay sa kanila ng tunay na Luke ang listahan ng mga pangalan ng nakalibing sa lugar na iyon maging ang lokasyon kung saan inilibing ang bawat pangalan na naroon.

Napag-alaman ding positibong doon nakalibing ang may-ari ng nahukay kong wallet.

Maraming narescue na mga kababaihan sa casino at ilan sa mga natagpuan doon ay ang mga nawawalang naging girlfriend ng nakilalang Luke Mon Verde.

Kaya pala isinali ni Joel Mon Verde sa mga babaeng ibinibinta niya iyong mga naging karelasyon ni Mark upang gawing karagdagan sa mga panakot niya dito upang patuloy itong sunud-sunuran sa kanya at patuloy na magpapanggap bilang  Luke.

Binagbantaan siya ni Joel na ibibigay ang mga hawak na ebidensiyang magdidiin sa kanya sa pagkawala ng mga naging girlfriend niya pag susuwayin niya ito.

Ayaw namang makulong ni Mark sa kasalanang di niya nagawa dahil ayaw niyang iwan sa kamay ng ama ang kapatid  niyang  siyang tunay na Luke kaya sa loob ng maraming taon ay pikit-mata niyang sinunod ang ama hanggang sa naglakas-loob siyang makipagsabwatan sa mga awtoridad.

Si Kim naman sa kabilang banda ay pilit na tinatakot ang mga nagiging karelasyon ni Mark/ Luke dahil natatakot siyang sa huli ay ang tunay na Luke na naman ang gagamitin ni Don Joel upang iligpit ang mga ito katulad ng mga naunang iba pa.

Lahat ng mga narescue na mga kababaihan ay sumailalim sa mga counseling para sa mga dinanas nila sa kamay ng sindikato.

Habang nasa ilalim sila ng custody ng awtoridad ay kinokontak na ang mga pamilya nila upang makatulong sa madaling pagpapabuti sa mga kondisyon nila.

Iyong ibang walang mga pamilya ay sasagipin ng mga organisasyong kapartner ng private agency na tumutulong sa mga babaeng biktima ng krimenalidad.

Halos magfiesta ang mga taga media nang di mapigilang pumutok ang maruming lihim ng mga Mon Verde.

Muntik nang matibag ang tuktok na kinaroroonan ng Mon Verde Group of Companies.

Mabuti nalang at matagal nang napaghandaan ng nagpapanggap na Luke Mon Verde ang ganitong pangyayari kaya kahit nakaratay siya sa hospital sa pagputok ng balita at pagdating ng pinakamalaking crisis sa kompanyang hawak niya ay naitawid ng kanyang nabuong team ang lahat.

Sa huli ay parang naging promotional advertisement pa ng kompanya ang lumabas na balita.

Napanganga nalang ang lahat nang walang kahirap-hirap na nagawang baliktarin ng nakalatag na plano ni Mark ang sitwasyon at naging malaking opportunity ito na mas lalong sumikat ang Mon Verde Group of Companies na nasa ilalim na ng pangalan ni Mark Salazar Mon Verde ang bastardo ni Joel Mon Verde na nagpanggap na Luke Mon Verde upang iligtas sa kamay ng ama ang tunay na Luke Mon Verde.

Naging hero siya sa mata ng lahat at nakuha nilang magkapatid ang simpatiya ng karamihan.

Mon Verde Group of Companies made it's history ... And it still remain on top.

I Love You, Goodbye!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon