chapter 3

4.3K 94 7
                                    

Kinagabihan ay isang katulong ang sumundo sakin sa quarters ng mga kasambahay.

Pinatatawag daw ako ni Sir Luke dahil may iuutos daw.

Nagdadalawang-isip pa akong sumama kasi siguradong tatanungin niya lang ako ng pauulit-ulit kung nasaan si Ate.

Kung noon ay naghahabol ako na makausap siya ngayon naman ay gusto kong magtago para di niya makita.

Gusto ko parin namang makita si Ate pero parang wala namang alam si Sir Luke kung nasaan siya.

Galit pa nga sa kanya ito dahil diumano ay ninakawan ito ni Ate.

Kilala ko ang kapatid ko, di niya magagawang magnakaw kaya imposibleng nagtatago siya dahil doon.

Nag-alala tuloy ako lalo sa kapatid ko. Paano kung napagbintangan lang siya at ngayon ay nanganganib ang buhay niya sa kamay ng totoong nagnakaw ng pera?

Parang imposible pakinggan pero wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit nawawala ang kapatid ko.

Sana man lang ay nagawa akong sulatan ni Ate kung sakaling nagtatago lang siya mula kay Sir Luke pero wala akong sulat na natanggap kaya siguradong hindi nagtatago ang kapatid ko bagkus ay may nagtatago sa kanya.

Dahil sa sobrang pag-iisip ay nagulat nalang ako at nasa harap na ako ni Sir Luke at nakalayo na ang kasama kong naghatid sakin dito.

"Sir Luke, pinatawag niyo daw ako.", magalang kong sabi habang pasimpleng tiningnan ang paligid.

Siguradong nasa library kami dahil ito ang pinakagusto kong silid dito sa third floor.

" Give me your phone.", seryoso nitong sabi.

"Po?", gulat kong tanong.

Wala ba siyang sariling cellphone at iyong sakin ang hihiramin niya?

" I just want to make sure na di talaga kumontak sayo si Grace.", dama ko ang pagkasuklam niya nang banggitin ang pangalan ng kapatid ko.

"Di ka ba talaga naniniwalang hinahanap ko rin si Ate?", kunot-noo kong tanong.

" Wala na akong tiwala sa mga babaeng mukhang anghel. I learned my lesson in a hard way", nakasimangot nitong sabi.

"Hindi ko ugaling magsinungaling! Kasalanan iyon sa Diyos!", giit ko.

" Mukha ngang padala ka ng Diyos upang subukin ang self control ko. " , mataman itong nakatitig sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo?", asiwa kong tanong.

" Inaakit mo ako Sister, at malapit na akong bumigay.", seryoso nitong sabi.

"Ano? Wala akong ginawang ganun!", gimbal kong bulalas.

" Sigurado ka? Pero bakit iba ang pakiramdam ko tuwing nakikita kita."

"Sinasabi niyo lang po iyan kasi nakikita niyo sa akin ang kapatid ko."

"Kung nakikita ko sayo ang kapatid mo siguradong pinapakain na kita sa alaga kong piranhas. Di ganitong kahit naaalala lang kita ay tinitigasan ako.", nagtagis ang bagang nitong sabi.

" Tinitigasan ka dahil ba sa galit?", malungkot kong tanong.

Isang tawa ang sinagot ni Sir Luke, hahay...nakikiSir narin ako kasi iyon ang tawag sa kanya ng lahat ng mga kasamahan ko.

"Minsan talaga nakakalimutan kong ang nagmamay-ari ng mukhang gumugulo sa utak ko ay kasing-inosenti ng bagong silang na sanggol.", naiiling nitong sabi.

" Sir Luke, di naman ako ganun kainosenti! Marami narin naman akong alam sa buhay.", giit ko.

"Talaga? Tulad ng ano? Alam mo ba kung paano alisin ang nararamdaman ko ngayon Sister?", nang-uuyam nitong tanong.

I Love You, Goodbye!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon