chapter 7

3.5K 84 2
                                    

Kinagabihan ay di ko na nakausap pang muli si Luke dahil lalong dumami ang ginagawa nito at halos di na ito lumalabas ng opisina.

Mabuti pa nga si Ms. Kim dahil nakita kong bumaba para kausapin si Alvin. Siguro tungkol ito sa lalaking nagtrespass kanina.

Balita ko ay di na ito naabutan ni Alvin at ng ilang mga security guards sa rezort dahil agad itong naglaho sa umpukan ng mga bisita ng resort.

Nalaman ko rin kay Lisa na si Sir Anthony daw ang lalaking iyon.

Kumuha daw ito ng sapat na ebidensiya para magdiin sa supect nila.

Natatakot naman akong magtanong kung sino iyong suspect dahil baka si Luke iyon. Ayaw kong marinig na may kinalaman siya sa bangkay na nakita ko sa likod ng toolshed dahil kung nagkataon ay siguradong may kinalaman din siya sa nangyari kay Ate.

Maaga kaming pumasok ni Lisa sa tinutuluyan naming silid at agad kong ibinigay sa kanya ang nakuha kong wallet sa garden.

Matapos niya kunan ng mga larawan at ipadala iyon sa headquarter nila ay maingat iyong inilagay ni Lisa sa clear plastic bag para daw idagdag sa mga ebidensiya nila.

Hinayaan ko nang siya ang magtago niyon dahil baka mawala ko pa iyon.

"Lisa, tingin mo...makikita pa natin ang Ate ko.", kinakabahan kong tanong.

" Hahanapin natin siya. Wag kang mag-alala. Ang mahalaga mgayon ay di ka matulad sa kanya at sa iba pang nawawala."

"Bakit mo nasabi iyan?", gulat kong tanong.

" Cecil, mga karelasyon ni Mr. Mon Verde ang mga nawawala pati na ang ate mo kaya posibleng ikaw na ang next target ng salarin natin dahil ikaw na ngayon ang pinakamalapit na babae kay Mr. Mon Verde."

Kinilabutan ako bigla sa sinabi ni Lisa.

"Sa tingin mo, nanganganib ako?", takot kong tanong.

Ayaw ko munang may mangyari sakin hanggang di ko pa nakikita ang ate ko.

Pero, paano kung makikita ko lang si Ate kapag nahuli ang salaring dahilan ng pagkawala ng mga naunang babae?

Kaya ko bang ilagay sa panganib ang buhay ko? Agad na nabuo ang pasya ko habang iniisip si Ate.

" Pwede nating mahuli agad ang salarin. Tutulong ako, kung ako ang next target niya ay siguradong mangyayari din sakin ang nangyari sa mga nauna.", buo ang loob kong pasya.

"Pero Cecil, isa kang civilian. Di papayag ang mga head namin na madamay ka kung sakaling may mangyaring gulo.", nag-alangang sagot ni Lisa.

" Pero Lisa, isa sa mga biktima ang kapatid ko. Tutulong ako sa ayaw at sa gusto ninyo.", mariin kong sabi.

"Kailangan muna nating ipaalam ito sa mga head namin.", sumusuko nitong sabi.

Nakita niya siguro ang determinasyon kong gawin ang nasa isip ko kaya napapayag ko siya.

Ilang oras na kinakausap ni Lisa ang kung sinu-sino sa cellphone niya hanggang sa ibinalita niya sa aking pumayag daw ang mga ito basta masisiguro ni Lisa at ni Anthony ang kaligtasan ko.

Nakausap ko rin si Sir Anthony at kabilin-bilinan niya na huwag daw akong hihiwalay kay Lisa at huwag daw ako magtiwala agad sa mga tao sa paligid maliban kay Lisa.

Matapos ko siyang makausap ay nagpasya na akong matulog habang si Lisa naman ay nagpaalam na lalabas lang saglit.

Di na ako nagtanong dahil sigurado namang magiging ligtas siya dahil alagad siya ng batas, di ba? Siguradong may alam siya kung paano protektahan ang sarili.

I Love You, Goodbye!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon