chapter 4

3.8K 84 3
                                    

Ilang araw na ang lumipas matapos iyong nangyari sa library pero nahihiya parin ako tuwing maalala ko iyon.

Medyo madali na rin ang trabaho ko bilang personal maid ni Luke dahil kwarto niya lang ang lilinisin ko.

Napapansin niyo siguro na Luke nalang ang tawag ko sa boss ko kasi iyon naman ang gusto niya kaya sinunod ko nalang.

Kalimitan din wala akong trabaho dahil madalas namang walang inuutos si Luke at gusto niya lang ay nasa tabi niya ako tuwing nagtatrabaho siya.

Lagi nga siyang busy, ang dami niyang mga papeles na binabasa at pinipermahan.

Lagi din niya kausap sa cellphone si Ms. Kim, iyong masungit niyang assistant.

"Luke, pwede ba akong lumabas sandali?", paalam ko sa kanya kasi kanina pa ako dito nakatunganga sa loob ng opisina niya dito sa mansion niya habang busy siya.

" No.", sagot nito habang nasa binabasa parin ang atensiyon.

"Nababagot na ako. Wala akong ginagawa.", naiinis kong reklamo.

" Gusto mong may gagawin?"

Agad akong tumango-tango. Bagot na bagot na kasi ako.

"Come here.", seryoso nitong tawag sa akin habang inilapag ang mga binabasa sa mesa niya.

Excited naman akong lumapit sa kinauupuan niya.

Mataman niya akong tinitigan bago inilahad sa akin ang hawak niyang cellphone.

Kunot-noo ko namang tinanggap ito dahil nagtataka ako kung anong gagawin ko dito.

"Tapusin mo iyong level ko sa larong Candy Crush.", seryoso nitong sabi.

" Huh?", awang ang bibig kong usal.

"Gusto mo ng may ginagawa, di ba? Maglaro ka ng Candy Crush para di mo na kailangang lumabas."

"Gusto ko iyong totoong trabaho!", nagpapadyak kong sabi.

" Okay, hilutin mo iyong ulo ko."

Bigla ay naalala ko iyong nangyari noong unang beses kong hinilot iyong ulo niya.

"A-ayoko nga!", mabilis kong tanggi.

" Bakit naman? Parang kanina lang ay nagpumilit kang bigyan ko ng trabaho, ngayon naman ay nagrereklamo ka.", kunot-noo nitong tanong.

"K-kasi... B-baka sasakit na naman iyong puson mo!", dahilan ko.

Napatawa ito sa sinabi ko at parang nanggigigil akong kinurot sa pisngi.

" Ehem!"

Isang tikhim ang nagpatigil sa ginagawa niya at nagpabaling sa amin sa pintuan.

Seryosong nakatayo doon ang masungit na assistant ni Luke na si Ms. Kim.

"Kimmy, di mo sinabing uuwi ka dito.", nakangiting salubong dito ni Luke.

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko nang may kumirot sa bahaging iyon nang yakapin niya si Ms. Kim.

" I'm just worried kasi nabalitaan kong nandito ang kapatid ni Grace.", seryoso nitong sabi at may talim ang pagkakabanggit niya sa pangalan ng kapatid ko.

"Masyado ka talagang mapag-alala. Stop worrying, she's not like her sister.", nakatawang sabi ni Luke.

" Hayaan mong ako mismo ang umalam niyan. Wala akong tiwala sa mga babaeng umaaligid sayo.", mapangutya nitong sabi at isang matalim na tingin ang binigay sa akin.

Nakaramdam ako ng kilabot sa uri ng tingin niya pero di ko alam kung saan galing itong naramdaman ko.

"Ikaw talaga! The ever so overprotective best friend of mine.", parang aliw na aliw pa si Luke dito.

I Love You, Goodbye!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon