KBNT 1

2.4K 60 13
                                    

YOUR PROMISE
written by azhblack

KABANATA 1
Nagkamali

Pagod akong naupo sa couch ng tinutuluyan kong hotel dito sa Baler. It's been 3 days na nandito ako, at mula nang mga araw na iyon hindi na ako tumigil sa pakikipag usap sa mga investors.

Ayaw kasing tumulong ng kapatid ko sa paghandle ng kumpanya nila mama. Porke may sarili siyang business na kakabukas lang, at masyadong spoil nila mama kaya pinapabayaan sa gusto.

Sa susunod na buwan idadaos naming ni Khevin ang ika-limang anibersaryo nang aming pagmamahalan. Kahit na hindi kami masyadong ayos nang nakaraang buwan.

Kahit na nag-aaway kami agad din naman kaming nagkakabati. But this passed months lagi niyang nakakalimutang ang mga mahahalagang araw naming, like ang monthsarry naming last month.

CEO si Khevin nang isang electronic gadgets. May bagong project sila il-launch kaya busy si Khevin, ayaw ko namang maka-abala. Pero nangangamba ako na baka maulit ang mga nangyari noong before last semester finals.

Naging busy na kami sa isa't isa noong panahon na iyon dahil sa sobrang tambak ng mga pinagawa kaya busy na busy kami, naging malamig kami sa isa't isa noon, pero sana huwag ng maulit ulit yon. Hindi ko alam ang gagawn ko kung sakali mang maulit muli iyon.

Sobra ang sakit na naramdaman ko noon.

Medyo may kaguluhan ang room na nabigay sa akin dahil sa mga gamit ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko iniispip ko ang marupok.

Yung tropa hanggang ngayon buo pa. Salamat naman tumagal kami ng ganito.

Sa loob ng anim na toon naming mga magkakaibigan ay walang ni isa ang sa ami'y nabubuwag. May nag-aaway at tampuhan minsan, dahil hindi naman talaga maiiwasan iyon. Mga tampuhan syempre, si Shaira at si Jeminah ang laging nag tatampo sa tropa, kadalasan si Akirah, Arianne, at si Frances. Yung lima na yon yung kadalasang nag tatampo nalang bigla, wala mang ginagawa bigla nalang mag tatampo. Napaka moody nila.

Pero ngayon wala akong update sa dalawang magpinsan na iyon.

After kasi ng graduation naming last year agad na umalis si Jeminah at Shaira, talagang tinapos lang nila ang college dito at sa Spain kumuha ng degree.

Yung cellphone ko nasa loob parin ng bag, habang ako nasa salas. Dito ako unang maglilinis salas.

Lumipas ang hindi katagalang oras, halos tapos na ko na ang lahat ng lahat ko.

Tapos na akong maglinis sa kusina, cr at sa salas, so yung kwarto nalang ang lilinisin ko. Iche-check ko na rin yung cellphone ko baka sakaling nag te-text or nag ko-call na si Khevin.

Pagpasok ko sa kwarto agad kong kinuha yung cellphone, pag bukas ko ni isang text, ni isang missed call wala. Try ko sa facebook baka sakaling nag chat na sya.

Pero pag bukas ko ng message ni isa wala talaga. Maybe he's busy.

Ang alam ko wala naman siyang meeting ngayon. Ang alam ko tapos na ang meeting niya kahapon, how come he's busy now.

I've decided na ako nalang ang tatawag.

"Calling Khevs."

3 rings before he accept the call.

'H-hello?' sagot nya.

"Hello baby Khevs!" sigaw ko nang marinig ko ang boses niya...

Ang hot talaga ng boses nya.

'Baby Mhaine, bat napatawag ka?" halata sa boses niya na gulat talaga siya.

"I just me miss you so much baby Khevs, ang hindi ka kasi nag text or tumatawag manlang."

'Sorry by may emergency meeting kasi eh.'

"Ah, ok sige sige. Mukhang naistorbo ko pa meeting mo. Tumawag lang talaga ako para sabihing miss na kita."

'I miss you too baby.'

"I miss you moreeee."

'I miss you so damn much .'

"Yieee, ano ba kinikikilig ako."

'I love you baby.

"I love you-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang niyang pinatay ang tawag.

Did he just hang up on me? What the freaking hell happened. Khevin don't hang up at me. This is the first time.

Ilang minute akong tulala dahil sa nangyari ng bigla akog maka receive ng text mula kay Lhonriz.

Lhonriz:
Hoy nakaka usap
mo pa ba si Khevin?

Syempre dahil tinatamad akong mag reply tinawagan ko nalang sya.

'Calling Lhonriz😈.'

2 rings before she pick it up.

'Sabi na nga ba't tatawag ka eh.' hindi si Lhonriz yung sumagot.

"Bat hawak mo cellphone ni Lhonriz, Shene?"

'Magkasama kami.'

"Edi sana all kase," umirap ako. "by the way bakit tinatanong mo kung nakausap ko na ba si Khevin?" seryosong tanong ko.

'Bakit? Masama bang magtanong?' halata din sa boses niya na seryoso siya.

"Hindi naman, and yes naka-kausap ko pa siya, and halos katatapos lang naming mag-usap ngayon ngayon lang."

'Tinanong mo ba kung nasaan sya?'

Ehh? bakit ganto maka tanong to, seryosong seryoso ang demonyo.

"Yeah, he's on meeting daw, biglaan daw nag karoon ng emergency meeting eh."

'Oh ok, ok, maybe nagkamali lang kami. Sige na bye.'

"Teka wai--"

Hindi ko na nahabol yung sasabihin ko dahil bigla nyang binaba ang tawag.

Anong nangyari dun?

--------
AZHBLACK

YOUR PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon