YOUR PROMISE
written by: azhblackKABANATA 18
You're mine
"Hoy malandi ka." nakangising ani Jelly sa video call.
Vinideohan kasi ni Sam ang paghahalikan namin ni Ginan kanina at sinend sa gc namin. Kaya halos lahat sila ay nakikichismis, ang mga walang hiya tumawag ka para bwisitin lang ako.
"Masarap bang humalik?" nakangising tanong ni Frances.
"Tinatanong pa ba yon? Sarap na sarap nga siya diba." ani Julia.
Kung alam ko lang na ganito ang mga sasabihin nila ay hindi ko na sinagot ang video call. Mga walanghiya talaga silang lahat.
Agad kong pinatay ang tawag, maaga pa akong gigising bukas para panoorin ang mga love birds na laging tumatambay sa harap ng villa tuwing umaga. Sana lang ay huwag panira ang ulan ng dito sila tumambay.
Pagpikit na pagpikit ng mata ko ay ang pagbukas ng pintuan ng kwarto, narinig ko ang boses ni Samantha na kasama si Jesi habang kausap nila ang marupok sa cellphone. Hindi ko sila pinansin, pinagpatuloy ko ang pagpikit hanggang sa sumuko silang mag ingay at lumabas na ng kwarto ko.
Tatayo pa sana ako para i-lock ang pintuan pero naalala ko na no use iyon dahil may duplicate itong si Jesi sa susi ko.
MAAGA akong bumangon, naghilamos ako at lumabas na ng villa. Ala-sais palang maya maya pa darating ang mga ibon. Malamig ang simoy ng hangin na humahampas sa katawan ko. Gustuhin ko mang pumasok ulit sa loob para kumuha ng jacket pero tinamad na ako.
Niyakap ko nalang ang sarili ko habang hinihintay ang mga ibon. Ang tanga tanga ko naman kasi nawala sa isip ko na nasa tabing dagat ako nag suot lang ako ng sando at shorts. Nagulat nalang ako ng biglang may humaplos na malambot na tela sa balat ko.
"Magkakasakit ka sa ginagawa mong pagpapalamig niyan." napalingon ako sa lalaking nagsabi non. Napatingin ako sa light brown niyang mata, I knew that this guy is Ginan.
First of all because of the eye color, at sa kaniya lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Ibang iba sa pakiramdam kapag si Jeanne ang kausap ko.
"I told you don't stare at me, hindi kita masasalo." aniya at biglang umalis, pumasok ito sa villa nila.
Suplado pero may sweet side ang loko.
Ilang minuto lang ay bigla siyang bumalik, but this time may dala siyang dalawang mug. Umupo siya sa tabi ko iniabot sa akin yung isang mug. Hot choco ang laman non.
"Para sa akin?" di makapaniwalang tanong ko.
"Hawakan mo lang, bitin ako sa isang cup ng hot choco. Kunin ko nalang mamaya kapag naubos ko na itong isa." aniya habang humihigop sa hot choco niya. "Joke lang." natatawang aniya. "Para sayo talaga yan."
"Thank you." ngumiwi ako.
Isang dahilan ng pagngiwi ko ay nang maalala ko ang halik niya kagabi. Sampalin ko kaya ulit siya, tinignan ko kung totoo yung sinabi niya kagabi. Mabilis na lumamig ang hot choco dahil na rin sa malamig na simoy ng hangin, warm choco nalang siya ngayon. Mabilis kong ininom ng straight ang warm choco. Binitawan ko ang mug at hinarap siya, tumingin siya sa akin nang magkasalubong ang kilay.
BINABASA MO ANG
YOUR PROMISE
RomanceCAPTIVATING WOMAN #1 Status: Completed He liked me first, I loved him first. He's my best childhood boy bestfriend. We're still young at the time that he promised me something, yet he left. Years had passed, I started to forget him, then I met Khevi...