YOUR PROMISE
written by: azhblackKABANATA 16
Isang asungot"Kumusta ang maghapon mo kahapon?" naka-ngising tanong sa akin ni Camille.
Nasa kusina kaming lahat ngayon kumakain ng agahan.
Napangiwi ako nang maalala ko lahat ng nangyari kahapon. Una minolestiya ako ni Khevin. Ikalawa nakilala ko ang kambal na Dizon. Ikatlo ang paghatid sa akin ng asungot na Ginan, ang pagsabi niya na 'pampalipas oras lang ako.' Ika-apat ang biglang pag-uwi ni baklang Mark. At ang ikahuli ay ang pagt-text sa akin ni Khevin.
"Hoy!" narinig kong sigaw ng kung sino man sa kanila.
"Wala na tol, nabuang na kaibigan natin."
"Tignan mo kanina naka-simangot tapos biglang ngumiti, tapos sumimangot ulit tas ngumiti. Buang na talaga." boses iyon ni Lhonriz.
Hindi ko sila pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. Pupunta ako sa Baler ngayon, may kailangan akong asikasuhin doon.
"Ay wow, snober." dinig kong ungot ni Frances.
"Ano-ano kaya ang nangyari sa kaniya kahapon?" si Julia iyon.
"Baka nadiligan na." matinis na boses iyon ni Arianne.
"Feeling ko nadiligan na nga yan." si Akirah iyon.
"Manahimik nga kayo." seryosong ani ko, tuloy pa rin ako sa pagkain.
"Hindi kami mananahimik habang hindi ka nagk-kuwento." ani Lhonriz.
"Ode mag-ingay kayo ng mag-ingay." ani ko at tinuloy ko pa rin ang pagkain ko.
Ayaw kong magkwento. Baka kung ano ano ang gawin nila.
"Kwento na Maine." boses iyon ni Camille.
"Ayaw."
"Sige na, parang di kaibigan eh."
Bakit ba naging kaibigan ko ang mga makukulit na babaitang ito?
Wala akong nagawa kundi ang magkwento. Mula una hanggang sa pumunta si Mark dito. Pero hindi ko sinama ang sinabi ni Ginan na pampalipas oras ako at ang pagt-text niya sa akin. OA ang mga kaibigan ko.
"Shit ka Sharmaine!"
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Kingina mo, Khevin."
"Sharmaine naman."
![](https://img.wattpad.com/cover/168930747-288-k780109.jpg)
BINABASA MO ANG
YOUR PROMISE
RomanceCAPTIVATING WOMAN #1 Status: Completed He liked me first, I loved him first. He's my best childhood boy bestfriend. We're still young at the time that he promised me something, yet he left. Years had passed, I started to forget him, then I met Khevi...