Chapter 5: Jealous?
~ Rhianne~
**sa canteen**
Kinikiligggg na aakoooo!! Kanina pang 2nd subject kami nakaholding hands ni Dwight. Kailangan ba talaga ganitong ganito?? Tutal di pa naman ako nagkakajowa. Kaya secret lang.
"Uyyy....babe ano bang gusto mong pagkain?"sweet na tanong ni Dwight.
"Pizza lang tsaka mango shake"sagot ko. What the heck?! Parang ampabebe ko dun ah!
"Pabebe talaga yang babaeng yan. Tapos kapag tumitig kay Dwight, parang deep inside hinuhubaran niya na to! Yuckieeee! Ayoko na dito sa table na to! Kung ganyan lang ang makikita ko. Panget si girl pogi si boy. Yuck. Let's go girls"ambisyosa 1.
"Wag ka baka marinig ka niya!"saway sakanya ni Takot Girl 1.
"Pakealam ko. Siya ba ang may ari ng school neto. Eh si Rhianne Alessandra Nicole Fiedingfield ang may ari na to!"sabi niya.
Hindi na ako nakapagpigil at napilitan akong humarang sa daanan nila palabas ng cafeteria.
Gulat na gulat yung reaksiyon niya.
"Nakakita ba kayo ng multo"mahinhin kong tanong.
"A-ahhmmm....San po kayo galing Ms. Rhianne?"kinakabahan niyang sagot.
"Ako nga lang naman yung babaeng girlfriend ni Dwight at ako yata yung kanina mong sinasabihan ng panget at pabebe?!"galit kong tanong.
"I'm sorry po Ms. Rhianne"pagmamakaawa niya. Ganyan silang lahat eh. Kapag tinaasan nila ako ng kilay ay DEDUCTION. Ang matatanggap nila. Which is sa lahat ng subject.
"Okay. Fine. Pero kapag narinig ko payang dila mo na nagsasalita ng tungkol sa akin. Kita mo to?"sabi ko sabay turo sa may leftover na pagkain.
"Ipapahimod ko sayo yan!"sigaw ko. Sabay ang paglabas niya ng cafeteria na nakayuko at umiiyak.
War is just a piece of cake for me. Duh!
**introduction in Computer Lab**
"I'm Rhianne. 15. Mechanical Engineering. Studying of course. Time Is Gold"sabi ko. Paano ang kailangang description ay name, age, dream course, hobby, moto.
"I'm Dwight. 15. Mechanical Engineering. Playing. Love is like a rosary that is full of mystery" sabi ni Dwight.
"I'm Ace. 15. Mechanical Engineering. Meeting Girls. Time Is Gold"sabi ni Ace.
Ace Buenavista is my friend. Also known as 'AC'. Ayaw niya ng tinatawag siyang 'Ace' kasi isang tao lang ang pwedeng tumawag sakanya nun. At AKO yun. How sweet?
'WHAT DID I SAY?!!'
Nevermind. Basta sweet lang kami sa isa't isa. Ayun na yun.
"Nicole. 15. Chemical Engineering. Studying. Think before you act"pagpapakilala ni bal.
Ngayon lang kami nag orient dahil once a week lang kami nagkikita. Computer is Ace's favorite subject and he is so curious of how the Computer is being moved to Friday.
"Anne I have a joke for you!"sabi ni Ace. Hay babanat na naman to. Puns.
"Ano ang pinaka ayaw na day ng mga manok?"tanong niya. Hayy! Very easy.
"Fry-day!"sabi ko sabay tawa.
"Na naman?"tanong niya. Kasi lagi kong nasasagot ang mga jokes niya.
