III.

98 8 0
                                    

"CARINA?"

Kasalukuyan kaming nasa mall ni Laniel. Kahit naman anong gwain kong iwas sa kaniya, e siya pa rin ang mahal ko. Lumipas man ang ilang taon siya at siya pa rin.

"Yes?"

"Ayos ka lang ba? Nagugutom ka na ba? Gusto mo na bang umuwi?" sunod-sunod nitong tanong.

"May naisip lang ako. Huwag mo na akong alalahanin," sagot ko rito.

Pasado alas dos nan g tanghali pero hindi ko pa rin nararamdaman ang gutom. Siguro dahil sa kasama ko si Laniel.

"Carina, bakit mo ba ako iniiwasan?" tanong nito. Binasag niya ang katahimikang nababalot sa pagitan naming dalawa.

"Takot," sagot ko rito saka tinignan siya sa mga mata niya.

"Bakit ka natatakot?"

"Dahil may posibilidad na husgahan ako ng tao na kumakapit lamang ako sa iyo para magkaroon ng pera." Mayroon kalahating katotohanan ang sinabi ko pero hindi iyon ang tunay na rason.

"Bakit mo iisipin ang bagay na iyon kung hindi naman talaga totoo?" usisa nito.

"You are Sargo's son, Laniel. Magbaligtad man ang mga pagkakaayos ng mga planeta, hindi natin maiaalis sa mga mata nila na maaaring ganoon nga ang dahilan kung bakit ako nakipagrelasyon sa iyo," ani ko.

"They can judge, Carina. But they can only  judge you outside," he said.

Natahimik ako. Naglakad na lang ako kaysa harapin pa siya sa ganitong usapin. Matalino masyado si Laniel sa mga ganito ng bagay. Wala pa akong alam sa mga bagay na panlabas. Hindi ko pa kilala ang sarili ko at takot ako sa bawat galaw na magagawa ko.

Nagdesisyon kaming kumain na lang sa labas. Tahimik naming pinasok ang restaurant.

"Bakit dito pa tayo kumain? Ang mahal kaya rito," apila ko rito.

"Its okay," sagot nito habang hawak-hawak ang aking kanang kamay.

"Good afternoon, Sir! Good afternoon,  Ma'am! Welcome to Senior Mab and Yuan Restaurant! This way," bati ng isang babae sa amin.

"Good afternoon," bati naman ni Laniel.

Ngumiti si Laniel sa babae at gano'n din naman ang ginawa ng babae sa aming dalawa. Dinala kami ng babae sa upuan na pang-dalawahan lamang. Madilim ang naturang restaurant. Akala mo ay gabi na pero dahil lamang ito sa makakapal nilang kurtina. Nababalot ito ng kulay dilaw na ilaw. Nag-aamoy mint sa buong restaurant. Ang sarap sa pakiramdam. Nakagagaang ng loob.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Laniel sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot.

Lumapit ang isang babae at saka inabot ang dalawang menu board pero hinayaan ko na lamang na siya ang um-order n gaming kakainin dahil nang makita ko ang presyo ay tila nanghihinayang ako. Ang mahal masyado.

"Seryoso ka bang ako na lang mamimili?" tanong nito sa akin.

Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa gilid ni Laniel na halos idikit na ang sarili. Lint aba ang babaeng ito?

Sinabi ni Laniel lahat ng order nito saka isinulat ng babae. Napansin ko na napatingin si Laniel sa malusog na dibdib ng babae saka napalunok. Gusto kong sabunutan ang babae pero nakakahiya naman kung mageeskandalo ako.

"Ito na po ba lahat ng order niyo?" tanong nito sa malanding boses.

E, kung isampal ko sa'yo ang dalawang menu na ito? Badtrip!

Tumango si Laniel saka naman kumindat ang babae at tumingin sa akin. Nginitian ko ito kahit na naiinis na ako sa inaasal niya. Umalis na ito para asikasuhin ang lahat ng in-order ni Laniel.

"Ayos ka lang ba diyan?" takang tanong ni Laniel sa akin.

Tanging tango na naman ang nakuha nito sa akin.

"Nagseselos ka ba?" muli nitong tanong. Hindi ako umiimik. Gusto ko munang pakalmahin ang sarili bago siya kausapin.
Naramdaman ko ang kamay nito na hinawakan ang kamay mo na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. 

"Sabihin mo," sabi nito sa mababang tono.

"Hindi lang siguro ako sanay na may mga babaeng umaaligid sa'yo," sagot ko rito. Hindi ko maatim na hindi siya kibuin dahil lang doon.

Napangiti siya. "Sanay na kasi ako kaya masanay ka na dahil nagmahal ka ng guwapo at hot."

Nahampas ko ang kaliwa niyang braso. "Mahangin ka banda roon."

Natawa kaming dalawa sa kalokohan naming. How can I leave him alone if he is doing such thing like this?

Malapit na rin akong umalis papuntang Thailand para lumayo sa kaniya nang tuluyan. Ayokong pahirapan ang sarili lalo na at hindi niya pa alam ang tunay kong pagkatao. Natatakot akong kamuhian niya ako.

Nang dumating ang pagkain, pinagsaluhan naming ito. Nakakapanghinayang kainin dahil sa sobrang mahal ng pagkain. Sargo can buy anything they want.

"This is how Senior Mab and Yuan Restaurant serve the food. Ito ang restaurant na gusting makuha ni Senior Mon Daniel Sargo pero dahil masyadong matigas ang may-ari, sumuko si Daddy sa kaniya," panimula nito.

Sumubo muna ako ng isang hiwa ng Costa Rica, a chicken pizza, bago ko siya sinagot.

"Sayang naman," sabi ko rito.

Hindi na siya sumagot pero tumango naman ito bilang tugon. Inubos na naming ang pagkain naming dalawa na kaninang order niya.

Hindi namin namalayan ang oras na  pasado alas sais na pala ng gabi.

May lumapit na lalaki sa amin at hinal kaming dalawa papunta sa kung saan. At nang marating naming ang isang pribadong pintuan, pinapasok kami rito. Kaagad na nagtaas ang kaliwang kilay ko.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko rito. "May kinalaman ka ba rito?"

He smiled. "Wala."

"Umayos ka, Laniel! Kakasuhan kita!" asik ko rito.

"Anong kaso?" tanong nito saka numisi nang nakakaloko.

"Rape case!" sagot ko rito.

"Bakit, sino bang nagsabing gagahasain kita? Bakit mo naman na iisiping gagahasain kita sa publiko?"

Natahimik ako. Napahiya ako in the first place at laking pasasalamat ko dahil walang tao sa lugar kung nasaan kami ngayon dahil bawal ang customer dito.

"It's just what I've thought!" I said.

Muling nanahimik ang namamagitan sa aming dalawa. Tinignan ko ang pinto samantalang ramdam ko naman ang ipinupukol niyang tingin sa akin. Napalingo ako sa kaniya dahil hindi na ako komportable sa ginagawa niyang pagtingin sa akin.
Nagtagpo ang aming mga paningin. He reaches my hands and holds it tightly. Ramdam ko ang pag-init ng dalawa kong pisngi kaya nag-iwas ako dahil iba ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Nangungusap at nanunukso.

Please, Laniel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon