XVI.

51 6 0
                                    

" CARINA, lagyan mo naman ako ng lotion sa katawan, o!" pasigaw na utos sa akin ni Risza.

Kasalukuyan kaming nasa dagat para magtanggal ng alalahanin sa buhay. Ito lang kasi ang paraan para makalimutan namin ang mangyari noong makaraang linggo.

"Ang kapal mo rin talaga, ano?" apila ko rito.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Sariwa at nakakawala ng pagod. Ang paghampas ng alon sa dalampasigan ang tila musika sa aking tainga kasama ang huni ng mga ibon. Ang init na nagmumula sa sinag ng araw ay dumadampi sa aking balat. Mga nagkikinangang buhangin na siyang mas ikinaganda ng tanawin.

Pasado alas dose na ng tanghali pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom dahil sa mga nakikita ko. Nang iangat ko ang aking ulo ay sinalubong ng aking mukha ang sinag ng araw dahilan para mapapikit ako. Ilang minuto pa ay iminulat kong muli ang aking mata at kitang-kita ang maaliwalas na kulay bughaw na kalangitan na mayroong makakapal na ulap. Kay gandang araw para sa akin.

"Bes, sige naman na! Papalagay lang naman ako ng lotion, e. Sige ka baka karmahin ka at masira iyang retoke mo," sabi nito.

"Sa tingin mo natatakot ako? Hindi ka man magkaroon ng nobyo ulit? Lumubog man ang dapat lumubog sa'yo?" sagot ko rito.

"Joke lang, Bes. Sige na kasi!"

"Nakikita mo bang malalim ang iniisip ko at gusto kong mawala muna sa reyalidad?" usisa ko rito.

Ngumuso siya. "Huwag na nga! Magpapalagay lang, e."

Hinayaan ko na siya sa mga reklamo niya. Umalis ako sa kinatatayuan ko saka nagdesisyong maglakad-lakad sa gilid ng dalampasigan. Kami lang nila Papa, Mama, at Risza ang pumunta sa dagat para magbonding na rin. Pamilya na ang turing naming kay Risza dahil siya ang nag-iisang kaibigan ko. Mahigit tatlong taon ko ng kaibigan si Risza. Nagkakilala kami noon sa Fashion show sa Paris . Isa kasi ako sa naimbitahan ng coordinator tapos si Risza naman ay isa sa mga rumampa. Hangang-hanga ako sa kaniya noon dahil sa istilo ng paglalakad niya. Ang binti nito na makinis, mahaba at pantay.

Habang naglalakad sa gilid ng dalampasigan, nahagip ng mata ko ang isang shell na halos nakabaon na sa buhangin. Dinampot ko ito at nang makuha ay hinugasan ko sa tubig mula sa dagat.

"Ang shell na nagmula sa kailalim-ilaliman pa ng dagat hanggang sa umangat para makita ng mga taong nasa ibabaw. Ang ganda ay hindi itinatago. Pinagmamalaki dapat ito sa kung sino man ang makakita nito," sambit ng isang pamilyar na boses.

Napaangat ang ulo ko at napapikit nang tumama ang sinag ng araw sa aking mata. Narinig ko siyang humagikgik nang mahina. Tumayo ako pero muntik na akong matumba dahil sa biglang nagdilim ang paningin ko.

"Laniel?!" Bulalas ko rito.

"Para yatang gulat na gulat ka sa nakita mo? Guwapo ba masyado?" nakangising sabi nito.

"Hindi," maikling sagot ko rito. "Para ka palang shell na nakabaon sa lupa, ano?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Huh?"

"Ipinagsisiksikan ang sarili sa hindi naman dapat kinalalagyan. Tulad ng shell na ito— dapat nasa ilalim siya ng dagat pero pinagpipilitan niyang ipakita ang ganda niya rito sa lupa," paliwanag ko rito.

"Oo nga. Para talaga akong shell," sabi nito na ikinangiti ko.

"Pinulot mo kahit na ipinagpipilitan ko ang sarili sa hindi naman dapat na kinalalagyan ko." Nakangiti nitong sagot. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya pero napagtanto kong tama siya.

"Minsan kasi sa buhay natin, Carina ay may dapat na kalagyan. Hindi man sa ngayon pero maniwala ka sa tamang panahon. Tingnan mo kung hanggang saan tayong dalawa hindi iyong nilimitahan mo na kaagad kahit hindi mo pa nasusubukan."

Natahimik ako sa narinig ko mula sa kaniya. Ano ba kasing ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na nandito kami? Siguro sinabi ni Risza? Talaga namang iniinis ako ng babaeng ito, e.

"Masanay ka na lang na hindi mo kayang takasan ang katotohanan. Puwede mo akong iwasan pero huwag na huwag mong itatatak sa isipan mo na hahayaan ko na iniiwasan mo ako dahil gagawa ako ng paraan para magkita at magka-usap tayo," sabi nito.

Binitawan ko ang shell na hawak ko saka tinignan siyang maigi. Nakasuot siya ng floral na polo saka nakafloral rin na short saka slipper. May sunglass din siya na nakalagay sa ulo niya. Ang guwapong businessman na nagngangalang Mon Laniel Sargo ay hinahabol ako. Masuwerte man kung titignan pero iba pa rin ang pakiramdam ko. Wala na siya sa intindihin ko.

"Carina, tignan mo ang mata ko nang diretso," utos nito pero hindi ko ginawa. Nag-iwas ako ng tingin. Ibinaling ko na lang ito sa kabuuan ng dagat pero laking gulat ko sa ginawa niya. Hinawakan niya ang aking mukha saka ipinagtago an gaming paningin. Pilit ko man na iiwas ay hindi ko magawa dahil sa inaakit ako ng kulay itim na itim nitong mata. Nangungusap. Nakikiusap. Nagmamakaawa. At ito ang ayokong tagpo. Umihip ang malakas na hangin at tinangay ang hibla ng aking buhok maging ang suot kong manipis na floral dress.

"Carina, this is how I felt; kung paano mo ako iwasan. Kung paano mo ako hindi kausapin. Hindi mo nga ako kinikibo mula kanina pa. Kinibo mo lang ako dahil sa punyetang shell na iyan, e. Wala iyang kinalaman sa relasyong mayroon tayong dalawa, Carina!" sambit nito.

"Babalik lang ang lahat, Laniel kapag nalaman na ng magulang mo ang tungkol sa akin at tanggapin nila kung sino at anong klase ang minahal mo," sagot ko rito. Muli na namang nagbabadya ang taksil kong mga luha.

"We accepted you, Carina. Tanggap naming ang taong kayang baguhin ang anak namin. Hindi kami Diyos para hindi ka tanggapin. Yes, may doubt sa aming mag-asawa na kung bakit sa dinamirami ng babaeng nagkalat sa mundo ay bakit sa tulad mo pang retokada? Inisip namin na baka nga may mali sa mata ng anak ko pero wala. Mahal ka ng anak naming kaya mamahalin ka na rin naming bilang Carina Gari," sabi ng isang kilalang tinig. Nilingon ko ang nasa likuran ko at bigla na lamang bumagsak ang mga luhang kanina lamang ay nagbabadya saka ko sila niyakap— si Tita Loraine at Tito Cronus.

"Hindi lahat ng tao sa mundo ay kakamuhian ang mga tulad niyo, Carina. Marami ang tatanggap at magmamahal sa inyo. Hindi man sa ngayon pero maniwala kang may tamang panahon at ang tamang panahon na iyon ay narito na. Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin ang bagay na kaya ko naman talagang gawin kahit walang nag-uutos. Mahal kita, Carina. At kahit mayroon ka pa ng kung anong mayroon ako ay mamahalin kita."

Please, Laniel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon