I.

212 18 0
                                    

"AYOS ka lang ba anak?"

Pagkamulat ko ng mata ay kaagad na sumalubong ang makinis na mukha ni mama. Mga  bilugang mata na halos matakpan ng mahahaba nitong pilik-mata.

Napalingon ako sa kinauupuan ng isang lalaki. Lalaking-lalaki kung titignan.

"Laniel, napadalaw ka?" baling na tanong ko rito.

"Para balikan ka," mabilis na sagot nito.

Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. Piangmasdan ko ang seryoso nitong mukha. Walang bahid ng pag-aalinlangan.

"Para ano? Lokohin na naman ang anak naming? Marami ka pang kailangan malaman, Laniel!" apila ni mama.

"Ano po bang dapat kong malaman?" balik na tanong nito. Ang lahat ay nanahimik sa tanong ni Laniel.

"Laniel, mayaman ang pamilya mo— ang angkan mo. Hindi nararapat sa'yo si Carina. Marami namang babae diyan, e," sabi naman ni papa.

"Sir Harold, umaligid man ang mga babae sa akin— si Carina pa rin ang mahal ko."

Hindi ko alam kung magsisisi ba ako sa desisyon kong hayaan na lang muna ang panahon na lumipas hanggang sa malaman niya ang tunay na ako.

"Natatakot lang kaming magulang ni Carina," sabi ni mama.

Tumayo ako at nagdesisyong kuhanan sila ng maiinom. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa kanila dahil baka makaistobo lang naman ako sa pag-uusapan nila.

Bakit pa pumunta iyan dito? Gabing-gabi na at saka mamaya kung ano pang isipin ng mga kapit-bahay naming umagahan ang mga nagbabagang chismis sa lugar namin.

"Iniiwasan mo ba ako Carina?"

Halos maisaboy ko rito ang isinasalin kong tubig dahil sa gulat.

"Ano bang ginagawa mo rito?" usisa ko rito.

"Sinusundan ka. May problema ba roon?"

Hindi ko ito pinansin bagkus ay ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa. Nagtimpla ako ng orange juice dahil nakakahiya naman sa bisita namin.

"Carina, let me love you again." Natigilan ako sa paghalo ng juice sa narinig ko rito.

"Laniel, you don't know the real me," I said.

Tinignan ko siya nang mabuti. He has a deadly serious look. Hindi ako makahinga nang magtagpo an gaming mga mata. Nang-aakit, nanunukso, at nakakapanlumo ang mga tinging ipinupukol nito sa akin. I hate this.

Lumapit ito sa kinatatayuan ko. Gustuhin ko man lumayo pero para bang pinako ang mga paa ko dahil hindi ako makagalaw.

"Then, let me know you."

Isang pangungusap pero nakakatakot. Ayokong malaman niya ang tunay na ako. Gusto kong ang mundo mismo ang gumawa ng paraan na malaman niya ang tungkol sa akin.

"Laniel, hindi mo gugusttuhin na malaman ang tungkol sa akin. Kamumuhian mo akong lubos kapag nalaman mo ang tunay na ako."

Hinawakan ko ang kamay niya. Malaki at malambot. Napaghahalataan na hindi siya lumaki sa gawaing bahay dahil nga mayaman sila. Pinagharap nito ang aming mga palad at pinagyakap nito.

"Please, Carina," pagmamakaawa nito. Ang kaninang seryoso ay naging maamo. Bakas rito ang sinseridad nito.

"Please, Laniel. Hindi mo gugustuhin kaya hayaan mo na lang ako," maawtoridad kong sbi rito.

"Kahit ano pang sabihin mo, Carina. I will find a way to know you better."

Natakot ako sa sinabi nito. Mayaman si Laniel at natatakot ako na malaman niya ang tungkol sa akin. Kaya niyang hanapan ng paraan para lang malaman ang tungkol sa akin.

"Kahit gumawa ka pa ng paraan, Laniel."

Gusto kong takutin si Laniel sa puwede niyang gawin pero mas lalo lamang siyang nabuhayan ng loob. "Babalik ako rito, Carina. Malalaman ko ang tungkol sa tunay na ikaw."

Tumalikod siya at iniwan ang kusina. Hindi ko na naituloy ang pagtitimpla ng juice dahil sa naging usapan naming dalawa. Iniwan ko na rin ang kusina na makalat at tinignan sa bintana ang kotseng paalis na sa harapan ng bahay.

"Carina, anak, paano na iyan?" tanong ni mama mula sa aking likuran.

"Baka bumalik ako sa bansa, mama. Natatakot ako sa puwedeng malaman ni Laniel. I want him to come back pero mukhang nagkamali ang landas," I said.

"Bakit hindi mo na lang harapin ang katotohanan at sabihin kay Laniel ang totoo?" usisa ni mama.

"Mama, gustuhin ko man pero nakasisigurado akong hindi niya ako tatangapin," sabi ko rito na ramdam kong ramdam din nila mama na natatakot ako.

"Kailan mo naman balak lumipad papuntang Thailand?" singit na tanong ni papa.

"Aasikasuhin ko lang po ang mga papeles para makabalik ulit ako. Natatakot no kasi talaga ako sa puwedeng maging reaksyon ni Laniel kapag nalaman niya."

Tumango si papa bilang pagsang-ayon at si mama naman ay ngumiti. Sa totoo lang naman talaga ay hindi lang dahil sa mayaman sila Laniel natatakot sina mama at papa kun'di sa puwedeng maging reaksyon ni Laniel kapag nalaman niya ang tunay na ako at natataokot silang masaktan muli ako sa pangalawang pagkakataon.

"O, siya. Magpahinga ka na at sasamahan kita na ayusin ang papeles mo para makalipad ka ng mas maaga. Ayokong mabaon ka sa hukay ng puno ng takot at pagsisisi. All I want is the best for you. I want you to be happy," mama said.

"Salamat po. Iniisip ko, saan kaya ako ngayon kung wala kayo ni papa na handing pagtakpan ako hanggang sa kaya niyo? Paano na lang ako sa mga taong mapanghusga? Paano na lang ang buhay kong pariwara? The both of you save my life... you save me," mahabang litany ko rito.

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha at hinayaan na dumampi sa aking pisngi.

"Don't cry, baby. Masaya kaming natulungan ka naming ng papa mo sa mga taong may matang mapanghusga. We will love you the way you love us," sabi nito saka pinunasan ang luhang ngayon ay umaagos sa aking pisngi.

"Ang mahalaga anak ay makapagpahinga ka na dahil ayokong humarap ka sa Thailand na pangit. In-import ka rito sa Pilipinas na maganda kaya i-e-export ka naming maganda rin," natatawang sabi ni papa.

This is the reason why I love them a lot. I can sacrifice my precious life to save them just to pay back their kindness that I receive from them.

Umalis na sina mama at papa sa sofa kung saan kami kanina nakaupo nila Laniel at pumasok na sa kanilang kuwarto samantalang ako naman ay nanatili sa kinauupuan ko.

Please, Laniel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon