XIV.

56 6 0
                                    

"LANIEL, seryoso ka na bas a desisyon mong iyan?" usisa ni mama rito.

"Mars, baka naman puwede tayong maghinay-hinay sa tanong," singgit ng nanay ni Laniel.

"Baka nakakalimutan mo na hindi ka naghinay-hinay sa pananalita mo sa anak ko kanina?!" Napatayo si mama para mapatayo rin ako at paupuin ulit siya.

"Laniel, medyo ilayo mo ang gun-mouthed mong nanay kun'di baka makasakit ako ng kapwa kong tao."

Pilit kong pinakalma si mama para naman kahit papaano ay maayos ang usapan. Magkasama lang kami ni Laniel sa loob ng kusina kanina para kumuha ng maiinom nila pero mukhang mali pa yata ang naging usapan nila. Pagkaupo ko ay kaagad na bumanat si mama ng ganoon.

"My sincere apology, Tita," Laniel apologized.

Naupo na ulit si mama at saka tinignan nang matalim si Tita Loraine.

"Carina!" Rinig kong sigaw ng isang kilalang boses.

Tumayo ako para pagbuksan ito ng pintuan. Napayakap ako sa kaniya dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Anyare?" takang tanong nito. Inangat ko ang aking ulo.Tinignan ko ito at kita ang pagtataka sa kaniya. Kung naguguluhan siya sa inaakto ko, e mas naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa akin.

"Bes, dapat ko na bang layuan si Laniel?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na lumabas sa bibig ko. Ramdam ko ang pagbasa ng magkabilang pisngi ko dulot ng mga taksil na luhang bumabagsak.

Binigyan niya ako ng isang nakakalokong tingin. "Ano raw?"

Niyakap ko ulit siya nang mahigpit. Gusto kong bumagsak sa mga nangyayari. Hindi ko na alam ang puwedeng gawin. Hinang-hina na ako matapos akong makatannggap ng masasakit na salita mula kay Tita Loraine na nanay ni Laniel.

"Anyare ba kasi?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Hinila ko siya papunta sa likuran ng bahay namin.

Ang mga damong tinatangay ng malakas na hangin. Malapit na ring magtanghali kaya medyo mainit na kaya ramdam ko na rin ang pagtulo ng pawis sa aking likuran at dibdib pero mas ginusto ko ang tagpong ito.

"Uy! Ano ba kasing nagyayari? Ang init kaya rito! Retokadang ito!" reklamo nito.

"Magpakasaya na lang tayo, Bes," sabi ko rito. "Nakikita mo ang ulap na iyon?" Turo ko sa isang hugis puso na ulap.

"Anong mayroon doon?" usisa nito. Wala siyang kaide-ideya na nandiyan si Laniel sa loob ng bahay.

"Ang ganda lang."

"Adik ka na? At saka akala ko ba nasa Thailand ka ngayon? Anong kaartehan na naman ito?" Pinagmamalditahan niya ako ngayon kasi wala siyang ideya sa nangyayari.

"Carina?"

Sabay kami ni Risza na napalingon kay Laniel. Nagkunot bigla ang noo ni Risza nang makita niya si Laniel. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa akin at kay Laniel.

"Bes?" mahinang sabi nito. "What is the meaning of this? Laniel is here?"

Napatingin sa akin si Risza saka ako nag-alangan na tumango.

"Bakit hindi mo sinabi? At talagang pinunta mo pa ako sa likuran niyo, ano?"

Nanatili akong tahimik saka nagdesisyong tignan si Laniel na nakatayo pero agad na nagtagpo an gaming mga paningin. Ramdam ko ang mainit-init na simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha.

Tila ang mundo ay huminto. May sinasabi pa si Risza pero hindi ko na malinaw na marinig tanging tibok ng puso ko na lang ang naririnig ko ng klaro.

"Carina, kahit na anong mangyari ay ikaw lang ang mahal ko," sabi nito.

Nanahimik ako. "Sigurado na ako sa desisyon ko," dugtong nito.

"Laniel, tama na."

"Papakasalan kita. Kahit saang sulok pa ng mundo."

Naalala ko na naman ang sinabi niya kanina noong nasa kusina kaming dalawa. Nang-aakit. Nanunukso. Traydor na mata. Hindi ko alam ang gagawin ko sa pagitan ng pagtitigan naming dalawa. Ang alam ko lang ay gusto kong basahin ang kaniyang nadarama pero hindi ko magawa dahil naiilang ako sa tagpong namamagitan sa aming dalawa kahit na direkta na ang ginagawa naming dalawa.

"Carina, huwag mo naman akong iwasan, o."

Tiala hindi pumapasok sa utak ko ang mga anomang naririnig ko tulad na lamang ng sinasabi ngayon ni Laniel.

"Carina, please," ani nito.

Nanatili akong tulala at umaasang ibabalik niya ang nakakalasing na titig sa aking mga mata. Bumalik lang ako sa sarili nang maramdaman ko ang dalawang kamay na dumapo sa magkabilang balikat ko.

"Sagutin mo naman ako, o."

"Tama si Laniel— sagutin mo siya tapos ako rin. Bale, sagutin mo kaming dalawa."

Mas lalo lang akong naguluhan sa sitwasyong mayroon ako. Nanghihina ako. Nahihilo ako. Ramdam ko ang pagwala ng balance sa katawan ko pero isang salita lang ang tanging huli kong narinig. "Carina, we will be okay. I will back the old moments that we shared together."

Please, Laniel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon