"MAG-IINGAT ka roon anak! Nag-leave pa si papa para lang maihatid ka," naiiyak na sabi ni papa. "Tandaan mong mahal ka ni papa at ni mama."
Kasalukuyan kaming nasa airport at ito ang araw ng aking pag-alis papuntang Thailand. Iiwanan ko si Laniel ng wala man lang pasabi. Sa wakas ay makakaalis na ako sa bansa at matatakasan ko na ang bigat na aking nararamdaman.
"Yes, papa," sagot ko rito. Niyakap ako ni papa at gano'n din ang ginawa ni mama. Pasado alas tres pa lang ng umaga dahil alas kuwatro ng umaga ang aking alis.
"Kain na muna tayo? Nagugutom na ako, e at mukhang gano'n din si papa," natatawang sagot ko rito. Totoong nagugutom na ako kaya nag-aya na ako. Ayoko namang mas gutomin lalo sa biyahe, ano. "Mahaba pa kasi ang biyahe ko 'di ba? At saka hindi tayo nag-agahan."
Tumango si papa bilang tugon kaya pumunta kami sa pinakamalapit na food stall. As in, napakalapit lang dahil nilakad lang namin siya at kita ang mga eroplanong nakalapag. They are so ginormous. They are so authentic. Ang lahat ng bagay sa mundo ay may simbolo at ang eroplano ay sumisimbolo sa kalayaan na nararapat para sa atin.
Kumain kami nang matiwasay at payapa. Hindi alintana ang pag-alis ng isa dahil mas malulungkot lang naman kung iisipin pa.
"Mama, bukod sa pagbawalan mo si papa sa pag-inom niya ng alak, sabihin mo na umuwi na rin ng maaga dahil napapansin ko ang pagiging madalas nitong pag-uwi ng late na," bilin ko kay mama. Tumango si mama bilang sagot sa akin.
"Grabe ka naman anak. Mabait naman si papa, a— hindi nga lang halata," apila nito saka tumawa nang nakakaloko. "At saka si papa ang dahilan kung bakit ka ngayon nandito. Pinapaalala ko lang, anak."
"Papa, huwag ng umapila pa kasi nakikita ko naman at masyado kasing pansinin. Basta huwag mong stress-in si mama, a. Babalik din ako," sambit ko rito. "Pagbalik ko ay okay na ang lahat. Wala na akong dapat ikatakot."
Ngumiti ito nang mapait. "Okay po."
Muling natahimik ang pagitan sa amin at napansin naming si mama na nananahimik habang kinakain ang in-order kanina.
"Ayos ka lang ba mama?" tanong ko rito bago ko isubo ang isang kutsarang kanin na mayroong sisig. "Medyo pansin ko kasi na natahimik ka, e. May nakain ka bang ewan sa kainang ito? Kailan ko na bang ipatawag ang manager ng kainan na ito?"
Nag-aalala ako kay mama pero umiling siya, hudyat na ayos lang naman siya kahit na alam ko at ramdam ko na may dinadamdam siya.
"Ayos lang ako, anak. Mamimiss kita. Ang kakulitan mo. 'Yong pagsabi mo kay Risza na kinabukasan ay maghahanap kayo ng trabaho pero napurnada. Tapos 'yong pagsabi mong 'you will refuse your words' noong nakipag-break ka kay Laniel— hindi siya talaga nangyari. Mas pinili mo kasing umalis at iwanan kami ni papa mo. Mamimiss ko katigasan mo ng ulo na pinagbabawal kitang kumain ng chocolates chips pero kinain niyo pa rin ni Risza. Ganiyan kita mamimiss."
Halos mangiyak-ngiyak si mama at halos matawa naman ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung gusto ko bang lamunin na lang ng lupa o hihingi ng sorry tapos hahalikan siya.
"Sabi ko walang iyakan, e." Natawa ako sa itsura ni mama. Ang pangit niya pala kapag ganiyan siya. "Ang pangit mo kasi, mama."
Hinampas ako ni mama nang mahina lang. Si papa naman ay nakatingin sa akin na parang sinasabing 'rumespeto ka'. "Anak, huwag na huwag gagawin iyan sa mga taga-Thailand. Naku! Mamaya niyan, e mabalitaan naming may pinatay sila na nagngangalang Carina Gari."
"Papa, mama, alam niyong mabait ang nag-iisa ninyong dalaga. At saka hindi ako gagawa ng ikakasama ninyong dalawa ni papa. Babalik akong Pilipinas na buo at may ipagmamalaki na," sabi ko rito para kahit papaano ay gumaang ang kaniyang loob. "I need to be more confident than old Carina."
"Just promise me, Carina," Papa said.
"I promise," I said while raising my right hand.
Kinain namin nila mama at papa ang mga natitira pang pagkain dahil medyo nakakaramdam na kasi ako na ma-le-late na ako.
"Daliaan na natin kasi nakakaramdam na ako," sabi ko sa kanila. Binigyan nila ako ng judgy look.
"So, ano iyang tingin na iyan?" taka ko rito.
"Natatae ka na ba anak?" Papa asked.
"Anak, sige ikaw din, hindi ka makakaalis kapag tumae ka pa rito." Mahina pero nakakahiya. Bakit may pamilya akong ganito?
"What? Are you serious? What I mean is, nakakaramdam ako nan aka ma-late tayo nito, e."
"O-kay." Sabay nilang sabi. Mukhang nagpractice pa sila para lang magsabay, a. Tinignan ko sila ng nakakamatay na tingin pero siyempre ay hindi sila mamamatay dahil lang doon.
"Oo na! Dadaliaan na." Mabilis nilang nilantakan ang pagkain namin. Humingi pa si papa ng tubig dahilan para mas lalo ko lang silang mamiss. Sana ay buwan lang ang pag-aayos ko sa sarili para makauwi na kaagad ako.
Nang matapos kami sa kinakain, nagbayad na si papa saka kami nagdesisyon na maglakad na kami papunta sa Departure at para eksakto ang dating namin. Excited ako na binigay ang mga gamit ko sa mga babaeng nakatayo nang mayroon kaming marinig na isang kilalang boses. Natakot ako. Mas kinabahan nang isipin ko kung ano ang dahilan niya kung bakit siya nandito.