PANIMULA

529 27 1
                                    

"MATAGAL na panahon na rin noong magkita kayo ng bida-bida mong ex, a. Buhay pa kaya 'yon?" tanong ni Risza.

"Sino? Si Mon Laniel Sargo? Ang bobo kong ex?" balik na tanong ko rito.

"Bes, may iba ka pa bang naging boyfriend bukod kay Laniel?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. "Sige, biruin mo pa!"

Natawa ito saka napangalumbaba. "Pero alam mo, mabait naman si Laniel, e. Ewan ko ba diyan sa magulang mong ayaw sa anak mayaman! Bakit ba ganiyan ang mga magulang mo?"

"Takot lang sila na sabihan kami nanggagamit," paliwanag ko rito.

"Bakit sila matatakot kung hindi naman totoo?" usisa naman nito.

"Hindi natin alam ang mga nasa isipan ng mga tao ngayon, Risza," sagot ko. "At saka bakit ang dami mong tanong? Imbestigadora ka na ba? Lisensyado?"

"Concern lang ako, Bes."

Kasalukuyan kaming nasa terrace ng maliit naming bahay at umiinom ng mainit na kape na sinamahan pa ng masarap na chocolate chips na binigay na iniwan ni mama sa refrigerator namin.

"Maiba tayo," sabi nito. "Nabalitaan mo na bang nakabalik na si Laniel dito sa Pilipinas galing Japan?"

"I always stalking his instagram account, so, basically, yes," sagot ko rito.

Napangiti ako nang maalala ko ang huling tingin ko sa instagram account niya na naka-half naked siya at mayroon itong walong abs at mga busog na biceps. This is how Laniel change a lot. Noon, hindi siya ganito. As in, payat at tila walang kinakain kahit na mayaman.

"Paano kung bumalik siya para sa'yo?" muling usisa ni Risza.

Anong gamot ba inilagay ni mama sa chocolate chips kung bakit nagkakaganito itong si Risza?

Napakagat-labi ako nang maalala ko na walang anomang post si Laniel na may kasama siyang babae bukod kay Ate Kael— ate niya.

"Malabong mangyari 'yon. Hindi nga niya napaglaban ang pagmamahalan naming dalawa noon 'di ba? Paano pa kaya ngayong matured na siya?" apila ko rito sa ideyang naisip.

"From the word 'matured'. Bes, isipin mong matured na siyang mag-isip at iba na ang takbo ng isip niya kaya puwedeng mangyari na kaya ka na niyang ipaglaban hindi tulad noon na ilang taon lang naman kayong dalawa. He is already twenty-three and you are twenty! Hindi malabong magkakaayos pa kayong dalawa," paliwanag nito.

"And if that happen again, Risza— I will refuse my words when we broke up."

Tumayo ako para ayusin ang ginamit naming na mga platito at tasa. Pasado alas sais na ng gabi kaya kailangan na ni Risza na umuwi dahil pauwi na rin sina mama at papa galling palengke.

"Bes, mas mainam na umuwi ka na dahil malayo pa ang biyahe mo. You need to take a rest. Maghahanap pa tayo ng trabaho bukas," ani ko rito.

"Okay," nakangiti nitong sagot.

Nagbeso-beso kaming dalawa tulad ng nakagawian.

"Pasok ko lang ang mga ginamit natin tapos hatid na kita sa sakayan," nakangiting sabi ko rito saka siya kinindatan. Tumango naman ito bilang tugon kaya kaagad kong pinasok ang mga ginamit naming.

Nang maipasok ko ang mga pinaggamitan naming dalawa ay kaagad akong lumabas at nagsuot ng sapin sa paa. Niyaya ko na siya at naglakad kami nang tahimik. Medyo madilim na rin kasi sa lugar naming kaya nakakatakot na mag-ingay dahil baka ang ingay pa naming ang maging dahilan para magkaroon ng krimen. Nagkuwentuhan muna kaming dalawa habang hinihintay ang sasakyang sasakayan nito.

"Paano na nga pala si Erial? Hihiwalayan mo na ba ang munggoloyd na lalaking iyon?" tanong ko rito.

Nagbaba ang kaniyang labi. "Mahal ko si Erial, Bes, alam mo naman iyan, e."

"Pero hindi namang puwedeng mahal mo lang siya 'di ba? Kailangan mo ring isipin ang ginagawa niya sa'yo. You need to have a space for yourself. Love him and love yourself also. Take a rest of loving him kasi wala namang sukling bumabalik sa'yo," pangaral ko rito. "Have you ever tried to ask him if he loves you the way you love him?"

"Ayokong question-in si Erial nang ganiyan, Bes. Baka magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan," sagot nito.

"Problema niya na iyon, Bes! Kung mahal ka niya, sasagutin niya iyon na para bang isang tanog lang iyon sa test paper at kailangan ng tamang sagot."

"What if he said no? Am I able to love him even he doesn't love me the way I love him?" Risza seriously asked.

"Mahalin mo siya na para bang hangin. Hindi mo nakikita pero nararamdaman mo. Layuan mo na siya kasi hindi mo deserve ang magkaroon ng tulad niyang walang kuwenta. You deserve more than what you think," I answered.

"Ang sakayan papuntang norte ay malapit na pong dumating. Sampung minute na lamang ay narito nap o ito. Maraming salamat po."

"Bes, isippin mong mabuti ang lahat. Huwag mong saktan ang sarili mo dahil lang sa kaniya."

Ngumiti ito. "Naiingit tuloy ako sa'yo."

Napakunot ang aking noo sa narinig ko mula sa kaniya. Bakit naman siya maiinggit sa akin?

"Huh?"

"Kasi 'di ba kahit na hindi ka naipaglaban ni Laniel, e mahal ka pa rin niya? I want a man like him."

"Makakahanap ka rin nang tamang lalaki para sa'yo," sabi ko rito.

Nang makarating ang sasakyan na sasakayan niya ay umalis din ako. Sa aking paglalakad, isang itim na sasakyan ang nakita ko sa tapat n gaming bahay kaya mabilis na nagkarera ang hininga ko at kabog ng dibdib ko.

Isang lalaki ang lumabas sa itim na sasakyan. Naka-suit na kulay itim at pantalong itim na sinamahan pa ng itim na sapatos.

Nagkautang kaya si mama sa ganito kayamang lalaki? O si papa man?

Nilapitan ko ito nang sagayon ay matanong ko ang kailangan nila sa bahay pero nanigas ang aking katawan nang magtama an gaming mga mata. Para akong binuhusan ng isang balde ng yelo. Ang mga kulay itim na itim nitong mata, labing kay nipi, kilay na makapal, at ang ilong nitong kay tangos. Hindi ko alam ang salitang puwedeng lumabas sa aking bibig.

Halos mahimatay ako nang ngumiti ito. Bakit siya nandito? Ano pang kailangan niya rito? At tuluyan ko na ngang naramdaman ang paghilo at nanlalabo na ang aking paningin.

Please, Laniel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon