Chapter 01

67 7 0
                                    

Napabuntong hininga ako. Wala masyadong tao sa store namin. Ganito talaga palagi tuwing sasapit na ang pasko. Marami ng mga tao ang bumabalik sa kani-kanilang probinsya para doon icelebrate ang pasko kasama ng mga mahal nila sa buhay.


Bigla akong napatingin sa entrance ng store nang makitang may pumasok na lalaki. Dumiretso ito sa harapan ko at may kinuhang Trust sa counter.


Inilapag niya ang dalawang Trust sa aking harapan kasabay ng bayad niya. Dali-dali ko naman iyong kinuha at ini-scan saka ibinalot kasama ng resibo.


"Thank you and come back again, sir." Magalang na sabi ko.


Hindi na bago sakin ang mga bumibili ng trust dito sa store namin. Karamihan kasi ng bumibili dito ay yung mga may itsura at yung mga taong nasa stage na ng pagiging mapusok.

TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon