Chapter 07

32 7 0
                                    

Simula nung bumili yung dugyuting lalaki ng Trust , bigla na lang nagdagsaan ang mga tao dito ulit. Ewan na naman namin kung bakit.


"Lucky charm ata natin yung lalaking dugyutin eh. Bigla na lang dumagsa ang costumer natin." Masayang sabi ni Shae pagkatapos magligpit ng gamit. Maaga na kaming pinapauwi dahil dagsaan naman daw ang tao tuwing umaga kaya 'no need' na raw mag-overnight. Nagdiwang naman agad ang dalawang katrabaho ko at nagyaya mag-bar. Akala mo naman bigayan ng sahod ngayon pero wala talagang pera ang mga yan.


"Ang sabihin mo, lucky charm ang Trust na ibinibenta sa store natin. Nung bumili satin yung poging lalaki ng Trust, dumagsa rin ang tao dito dati di ba." Natatawang sabi ni John habang ikinakandado ang pintuan ng store. 


"Ewan ko sa inyo." Tanging nasabi ko. 

TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon