Chapter 02

47 6 0
                                    

Kung gaano kaunti ang tao kahapon, kabaliktaran naman yun ngayon. Sobrang daming tao ang sunod-sunod na bumili at hindi na ko magkanda-ugaga sa kakascan at pagbibigay ng sukli kasama ng resibo ng mga pinimili nila. 


Habang wala pang tao, kinuha ko na agad ang salamin kong bilog at nag-ayos ng sarili. Jusmiyo. Yung buhok ko sobrang ganit na at ang dull na ng kulay ng skin ko. Nakakahaggard talaga kapag wala kang kasama rito sa store. Sabay kasing nag-day off yung dalawang kasama ko rito eh. Pahinga lang daw muna silang dalawa. Magpapahinga sila eh wala nga silang kapera-pera. Kita mo nga naman ang nagagawa ng katamaran. 


"Ehem."


Napaangat naman ang ulo ko at nanlaki ang mata. Hindi ko napansin na meron na palang pumasok na costumer. 


Agad ko namang itinago ang salamin at pulbo na ginamit ko saka kinuha ang dalawang Trust na inilapag nung lalaki.


"Thank you and come back again, sir." Sabi ko sabay abot ng supot na naglalaman ng Trust. Teka, kakabili lang nung lalaking yon ng Trust kahapon ah. 

TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon