Chapter 08

32 7 2
                                    

Nakaleave ako ngayon at sa pasko pa ang balik ko sa store, at sa sobrang boring kanina, nagpasya na lang akong gumala dito sa mall para naman medyo gumaan-gaan ulit ang pakiramdam ko. Araw-araw ba namang hindi magkanda-ugaga sa pagbibigay ng sukli at resibo eh sinong hindi mapapagod at maistress dun? 


Habang naglalakad, nakaramdam ako bigla ng gutom. Hay nako naman. Kung kelan talaga balak ko nang umuwi saka ako nagugutom. 


Napagdesisyunan kong dumiretso sa Inasal ni Mang para masarap ang kain ko dahil unli rice.


Nag-order na ko ng kakainin ko at pagkatapos ay naglakad ako sa bakanteng table sa pinakadulo.


Maya-maya pa ay nakita kong papalapit na yung crew na may bitbit ng mga inorder ko. 


Pagkalapag na pagkalapag nung lalaki, ay isinabaw ko na ang sinigang na sabaw at naglagay ng sili sa sawsawan ng manok ko. 


This is heaven.


***


Grabe, nakalimang rice ako. Hindi tuloy ako makatayo sa sobrang pagkabusog.


Tinignan ko naman yung tiyan ko at kitang bundat na bundat na ko.


Inangat ko na ang aking ulo at biglang nanlaki ang mata ko. 


Si Boy Trust  ay este yung poging lalaki na palaging nabili ng Trust... nandito at nakatitig sakin.

TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon