Chapter 06

30 7 2
                                    

Tatlong araw nang palaging natambay dito yung dugyuting lalaki. Minsan bigla kong naaalala sa kaniya yung poging lalaki na palaging nabili samin ng Trust. Kaso imposible naman na magdisguise siya para lang makatambay dito sa shop namin. 


"Naku! Sa tatlong araw na nakatambay yang lalaki dito, lalo lang kumonti yung costumer natin." Sabi ni John.


"Paalisin kaya natin?" Bored na sabi ni Shae na nakapangalumbaba pa.


"Baliw! Wala na atang bahay yung tao tapos papaalisin niyo pa." Pangongonsensya ko sa kanila. Totoo naman eh. What if wala na nga talaga siyang bahay at dito na lang niya naisipang magstay muna? 


"Eh anong gagawin na--"


Napatingin kami agad sa pumasok.


Nakatingin lang kami sa dumating hanggang sa nasa harapan na niya kami.


May kinuha siya na kung ano sa counter at nilapag kasama ng bayad niya. Si John na ang kumilos at ibinigay na ang supot.


Kumurap-kurap ako nang makalabas siya ng store. 


"Walang bahay pero may pambili ng Trust.Wala sa sariling sabi ni Shae. 


"Wow." Sabay-sabay na sabi naming tatlo.

TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon