Chapter 03

38 7 1
                                    

Kasalukuyan akong kumakain ng tanghalian kasama ng mga katrabaho ko.


"Eto guys, napapansin niyo ba yung gwapong lalaki na palaging bumibili ng Trust satin?" Biglang tanong ni Shae habang nanguya.


"Yeah, why?" May halong kaartehan na tanong ni John. 


Sila yung dalawang kasama ko rito sa store at kababalik lang nila ngayon. Kababalik lang chismisan agad ano? Ganiyan silang dalawa, nadadamay na nga lang ako at nakikichismis na rin.


"Kasi nung wala si Karen ng dalawang araw, hindi rin bumili yung gwapong lalaki satin. Haharutin ko pa naman sana yun kaso parang may gusto ata rito." Kwento ni Shae habang dinuduro ako habang nakain.


"Trulalu! Yun din ang naisip ko kahapon eh, saka pansin mo rin ba na sa kaniya lang natingin si Papi?" 


"Oo nga no!" Sang-ayon ni Shae kay John.


Natawa na lang ako sa pinagsasabi nilang dalawa, "Wag niyo ngang lagyan ng malisya yon. Malay niyo coincidence lang talaga  na kung kelan umabsent ako, saka sila nag ano ng gf o asawa niya di ba?" Sabi ko na lang sa kanila at uminom na ng tubig.


"Malay mo rin wala siyang gf o asawa tapos yung binibili nyang Trust para pala sa future niyo yon." Bigla ko na lang naibuga yung tubig na nasa bunganga ko.


"Ewww. Gaga ka talagang bruhilta ka huhuhu." Diring-diri na sabi ni John nang matalsikan siya sa mukha nung naibuga kong tubig.


"Kadiri naman tong babae na to." Reklamo naman ni Shae habang pinupunasan yung mukha niya. 


"Kita niyo kasing nainom ako ng tubig kung ano-anong pinagsasabi niyo." Sabi ko sabay nagpeace sign sa kanilang dalawa. 




TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon