Chapter 10

34 6 1
                                    

"Tara sa bahay niyo ulit tayo!" Yaya ni Shae.


Napa-ikot naman ang mata ako, "Bakit sa bahay ko na naman aber?"


"Maraming pagkain sa inyo eh!" Sabat ni John at nag-apir sila ni Shae. Medya Noche kasi mamaya kaya pupunta naman tong dalawa sa bahay para makikain.


"New year na mamayang hating gabi at katamaran pa rin ang pinapairal niyong dalawa. Bakit hindi niyo gawing resolution yung huwag maging tamad sa bagong taon?" Sabi ko at binaligtad ko na ang sign na open. Magsasarado na kami dahil alas otso na ng gabi. 


Habang ikinakandado ni Shae at John ang store namin, nahagip ng mata ko ang dalawang lobo na pahaba na nakasabit sa sasaksyan nang kung sino.


Nagulat ako nang may nakita pa kong mga lobo sa kung saan.


Balak ko sanang kalabitin sina Shae at John pero naunahan nila ko nang makita din nila ang mga lobo sa daan, "Bakit ang daming lobo dito? May birthday party bang nagaganap? Tara makikain muna tayo sa kanila bago pumunta sa inyo!" Excited na sabi ni John.


"Gaga. Makikikain ka na nga samin eh." Sabi ko sa kaniya.


"Teka nga lang muna! Tignan niyo," bigla tinuro ni Shae ang pagkakasunod ng mga lobo, "parang kailangan natin sundan tong mga lobo!" Halos mapatiling sabi ni Shae dahil sa pagka-excite. Napansin ko rin na papunta yung mga lobong inilagay dun sa parteng malawak at madilim na kanto.


Sa pagkakaalam ko, maraming aso ang nakatambay doon eh. 


Nang tumingin ako sa tabi ko ay nakita kong wala na yung dalawa kong kasama, "Shae! John! Maraming aso--"


"--Aaaah!" Napitlag ang tenga ko at kumaripas ako ng takbo para sundan sila.


Pagkakita ko, nakatayo lang silang dalawa at nakatakip silang dalawa ng bibig.


Lumapit ako sa kanilang dalawa at nanigas ako sa nakita ko.


'Happy New Year! Sana napansin mo na ko!'


Basa ko sa isang tarpulin. Biglang lumabas si Boy Dugyutin na may dalang red roses at regalo.


"Uhm... hi?" Kumaway siya samin, "Kilala niyo pa ko?" Tanong niya at  inilapag sa kalsada ang mga dala niya.


"Sabi ko na at mapapansin mo ko sa ganitong paraan." Sabi pa niya. Nagulat ako nang tanggalin niya ang buhok niyang mukhang hindi ni-shampoo-han ng isang taon. Nagpakita ang tunay niyang buhok na kulay brown at halata mong mamahaling shampoo ang gamit dahil sa kumikintab pa ito. 


Ginulo-gulo niya ang kaniyang buhok para ayusin ito dahil sa paghubad niya ng wig. May kinuha siya sa kaniyang bulsa. Ipinahid niya yon sa kaniyang mukha at lumabas ang tunay na kulay ng balat niya.


"Ohmyghad!" Tili ni John at Shae.


Nalaglag ang panga ko nang mapagtanto kong si Boy Trust at Boy Dugyutin ay iisa lang.


"Nung unang punta ko sa inyo, bumili ako ng trust right? Ikaw lang yung nasa counter noon kaya ikaw ang kumuha ng Trust na binili ko. I thought you'll do something para mapansin kita but... no. You know, I've experienced a lot of special treatments... pero ikaw? Hindi, because you're not that kind of person na kapag may nakitang pogi papatusin na agad. Ilang araw na kitang in-stalk pero ganun pa rin. Hindi mo ko napapansin." Napakamot siya sa kaniyang noo at napangiti, "Kaya nga natuwa akong maging dugyot na lang para lagi mo akong mapansin."


"Uhm... hello?" Natauhan kami nang iwagayway niya ang kaniyang kamay samin.


Kumurap-kurap ako.


"Ah... o-oo." Nahimasmasang sabi ni Shae.


"Nakakaloka." Hindi makapaniwalang sabi ni John.


Hindi ako makapagsalita dahil sa mga narinig ko sa kaniya. I never thought na may mage-effort na idisguise ang sarili niya para lang mapansin ko siya. Akala ko creepy lang tong lalaki na to kasi bigla-bigla ko siyang nakikita sa kung saan habang nakatitig sakin, ngayon alam ko na kung bakit. He always stalk me because he wants me to notice him. The heck. I can't believe this. 


"Magsalita ka naman diyan, ghorl. Nag-effort yung tao oh." Siniko naman ako ng dalawa at tinulak ako papalit kay Boy Trust.


Bago pa ko magpasalamat ay agad na pumasok sa utak ko yung mga lobong ginamit niya.


"Y-Yung mga lobo ba na yan a-ano..."


"Ano?" Natatawang tanong nung tatlo sakin na parang alam na agad ang sagot sa itatanong ko.


"Co..condo... Trust?"


Natawa si Boy Trust na si Boy Dugyutin din pala.


Lumapit siya sakin at inakbayan ako. 


"Yep, and don't worry dahil hindi naman yan mauubos." Sabi niya sabay turo sa pick-up truck niya na puro box ng Trust ang laman.

TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon