Chapter 04

32 7 0
                                    

Nagliligpit na ko ng gamit ko dahil magcoclose na tong store namin.


Nang matapos ako ay pumunta na ko sa counter para magpaalam sa dalawa kong kasama. Mas maaga na kasi ang out ko kaysa sa kanila dahil kumpleto naman ang pasok ko at hindi naabsent.


"Mga frens uwi na ko ha." Sabi ko at isinukbit ang bag ko sa balikat ko. 


"Oh sya, mag-ingat ka." Sabi ni Shae at nagbeso-beso kaming tatlo.


"Bye, frenny." Pahabol ni John bago ako makalabas ng store namin.


Naglakad na ako papunta sa waiting shed at doon nag-hintay ng masasakyan.


Habang naghihintay, nilibot ko muna ang aking paningin sa paligid. Medyo madilim na pero marami pa namang tao rito sa labas. Nagulat ako nang makita ko yung lalaking palaging nabili ng trust samin. Umiwas siya ng tingin at saka biglang umalis. 


Kumunot ang noo ko. 


Weird.

TrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon