C H A P T E R 0 1

623 19 3
                                    

01: SLEEPY HEAD DISORDER

A T A S H A

"You should had come! You wouldn't regret! I swear!"

"Yeah! It's really fun! Alam mo 'yung pakiramdam na para kang bumalik sa pagkabata although we're near in adulting stage. The blast of the party will make you forget everything for a moment! The ambience screams.. hey enjoy your life despite of stressing college life and......"

*snoring—

"HEY!!!" I heard a loud slam followed by an annoying yell.

"O-Ohh... What???" wala sa sariling sabi ko nang maidilat ang mata dahil sa ingay na narinig at bumulabog sa natutulog kong mundo.

Muling hinampas ni Elisse ang table ko kaya napadilat nanaman ako sa gulat. "Ayan ka nanaman, kanina pa kami nagkwekwento rito pero wala kang pakialam! Are you still alive!?" iirap-irap na tanong niya.

"Hey, Atasha wake up!" Stella added at inalog nang marahan ang balikat ko. "You're rude. Kinekwentuhan ka namin tapos tutulugan mo lang kami." ngumiwi ako.

Sinamaan ko ito ng tingin gamit ang antok kong mata.

Yeah, I'm rude. Always rude when in the first place I don't give any bullshit. Don't have time to give so, busy ako masyado sa pagtulog.

"Rude, huh? Nakita niyong natutulog yung tao tapos kwe-kwentuhan niyo ako? Sino ngayon ang may problema?" nanliliit ang matang tanong ko at parang gusto ko silang saktan dahil sa pang gagambala nila sa tulog ko.

Mabigat akong bumuntong hininga at napahilamos.  Mainit nanaman ang ulo ko dahil nagising lang naman ako sa mahimibing at magandang pananaginip.

"Fuck you, Atasha" Elisse glared back to me.

Gusto ko pa sana silang pandilatan ng mata pero masiyado pa akong ina-antok. Daig ko pa ang singkit dahil sa mata kong 'di ko maidilat nang maayos. Kumbaga sa full moon ang mata ko ay half moon lang dahil hindi siya dilat na dilat. Kaya naman nagmumukha akong tipsy at napapagkamalang lasing dahil sa mata kong singkit na mapungay.

"Baliw ka ba? Buhay ka pa kanina. Gising ka nung kinausap ka namin. We aren't stupid to talk to someone who's obviously asleep, but suddenly while we're in the middle of the conversation, you rudely ruin the moment by shutting down your eyes! It's like you wanna tell that we're nonsense creatures bluffing about boring stuffs." galit na sabi ni Elisse na sobra-sobra ang sama ng titig sa'kin kaya napakamot ako sa batok. "We're genuinely sharing stories you missed out kaya hear us out attentively."

Ginambala na nga nila 'yung tulog ko tapos sesermonan at sisigawan pa 'ko. Nakakainis. Yamot akong napatitig sa lapag.

"Elisse, bear with her alam naman nating maikli ang pasensya niya kapag bagong gising especially 'pag na istorbo. She's still sabog at the moment." pakiusap ni Stella kay Elisse na nakakrus ang braso.

Thanks, God, I have sweet Stella who loves to defend me in all ways.

"Buti nga 'ko pag bagong gising lang mainit ulo eh ikaw palagi." singhal ko kay Elisse.

"Nagdadahilan ka pa talaga!?"

Muling nakiusap sa 'min si Stella at unti-unti naman kaming kumalma dahil normal na sa 'min to. Pagkatapos ay unti-unti ring nag sink in sa utak ko kung anong nangyayari at bakit kami nag-aaway. Duon ko lang napansin ang iilang tingin ng mga kaklase naming nakamasid. 

Napabuntong hininga ako at kinurap ang mamasa-masa kong mata dahil sa maya't mayang hikab at muta.

Nakatulog pala 'ko wala man lang akong kamalay-malay. "You're a kill joy ever. Lagi mong pinipikit mata mo right when we're having fun."

Sleepyhead Met The Sleepless [ UNDER MILD REVISION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon