10 :
N A I Z E R
"Kumusta, tapos mo na ba?" agad na tanong ko kay Mikey pagkapasok sa room.
Ngumisi lang ito. His signature face expression. "Ako pa! Pulido, boss Dawson." natatawang sabi niya kaya nailing na lang ako.
"Sigurado ka?"
Tumango ito tsaka tumabi sa'kin para buksan ang dala niyang laptop.
Mukha lang siyang loloko-loko pero SSG Vice President sya sa buong campus kaya he have access sa admin page at mga side groups of this campus.
Some of our classmate took picture of my seatmate while she's asleep. That's unusual for them kaya they attempted to share it online good thing Alonzo was with me na pigilan yon. Hindi ko nga malaman kung bakit kailangan pa i-post yun. That's petty. Someone minding her own sleep shouldn't be a bigdeal.
"Bakit kaya may mga college na immature?" tanong nito kaya natawa ako dahil sa kanya mismo galing.
Nangunot noo nito habang nakatingin sa'kin. "Ang ibig ko sabihin immature na paguusapan nila maski tulog ng ibang tao. Naharang ko na ibang classmate natin who attempted to take pictures of Yamata pero some of them even really attempted i-share yon sa confession groups." tumango-tango ako. "Pero naaagapan naman agad walang kumalat."
Napahinga ako ng malawag habang panay scroll ito sa laptop niya ipinapakita ang common na feed ng page pati na rin ang na-ban na account who attempted to share unsolicited photos of my seatmate.
"Salamat, Alonzo. " I tapped his shoulder kaya isinara na nito ang laptop niya.
"Natanong mo na si Arigato kung anong sakit nya?" napaangat ang labi ko dahil sa tawag nya rito.
"Not yet hindi kami nagkausap masyado kagabi." sabi ko at bahagyang natawa nang maalala how bad tempered she is kapag bagong gising. "I've researched two thing hypersomnia at narcolepsy I'm not sure alin doon ang sa kanya pero hindi ko tatanungin. Hahayaan ko siya magsabikusa." sabi ko at isinandal ang ulo.
Her sleeping pattern is not really normal base on what I observed. Her sleep can last for more than 10 hours. She can also sleep in the middle of active activity. Kahit na kinaiinggitan ko ang ganun I can't deny she's somewhat troubled.
Nagtakha ako dahil lumipas ang buong klase na hindi lumilitaw ang seatmate ko. Sigurado ako nahatid ko siya sa bahay nila nang ligtas kaya bakit hindi sya sumulpot ngayon. Sa pagkakatanda ko pa overwhelmed and excited siya na maging kaibigan ako kaya hindi ko naisip na a-absent sya.
"What's your problem again?" tanong ko kay Clarisse na nakaharang sa pinto.
Pagkauwi na pagkauwi ko ay nakabusangot na mukha nito ang bumungad sa kin.
"Why are you naked last night?" napabuntong hininga ako dahil eto nanaman kami.
"I'm not naked." I calmly said.
"Yes you are. That's the same thing. You don't have your polo on. Ni hindi ko nakita even inside your bag. Where did it goes?" nakapamewang na tanong niya.
"Laundry. Nadumihan ako on my way home kaya diniretso ko dun." napalunok ako.
I hate lying but its white lies I guess. Ayoko ng gulo between us again. Isa pa Anastacia already made her blood boil before kaya for sure the reaction I'll get from her is chaos.
BINABASA MO ANG
Sleepyhead Met The Sleepless [ UNDER MILD REVISION ]
Teen Fictionplease don't read it yet. : >>>> She who always sleep sick of falling asleep He who's always awake wanted to sleep but was afraid of it. Despite their body clock's contrast, an eclipse happened, their eyes met, making them jump to...