Chapter 6: Voting

68 4 4
                                    

Anjie POV

Tinitigan ko si Warren at pinaningkitan ng mata. Halata talaga sa mukha niya na nasisiyahan siya. Sarap niya sapakin! Pasalamat siya na gwapo siya kundi kanina ko pa 'yan pinagkukurot. Haha! Joke lang 'no. Meron na akong sariling 'dear'. Binalik ko na lang ang atensyon ko kay T. Janice at sinimulan nang mag-explain.

"Teach' ganito kasi 'yun. May sinulat dito si Jamie na fill in the blanks. Tapos pinakita ko 'to sa mga boys at tinanong kung alam nila. Si Bocaj naman, sabi niya alam niya raw ang sagot doon tapos inabot niya ang notebook. Eh hawak-hawak ko pa teach' tapos pilit na hinihila sa akin. Kaya naghihilahan kami tapos bigla na lang napunit." tuloy-tuloy na kwento ni Anjie

"Teach' si Anjie kasi ayaw pang bitawan, kaya tuloy nasira," sabat ni Bocaj

"Sino ba talaga ang may kasalanan? I-demonstrate niyo ulit ang nangyari," sabi ni T. Janice

"Teach' nagsusulat-sulat lang kasi kami rito," sabat ni Jamie

"Oh sige Jamie, gawin nga natin 'yun ulit," sabi ko kay Jamie at bumalik na sa upuan

Yage POV

Pinapanood ko lang sila dito nang tahimik habang nagpapaliwanag sila kung ano ba talaga ang nangyari.

"Teach' ganito kasi 'yun. May sinulat ako dito sa likod ng notebook. Tapos pinakita ni Anjie sa kanila. Taapos si Bocaj hinila ang notebook mula sa kamay ni Anjie, pero ayaw bitawan ni Anjie kaya naghihilahan na sila," pagpapaliwanag ni Jamie

Kumuha si Jamie ng notebook at binigay niya kina Anjie at Bocaj. Kunwaring naghihilahan naman ang dalawa tulad ng ginawa nila kanina.

Ang kulit-kulit talaga ni Bocaj. Kaya crush ko 'yan eh. Ang cute-cute pa niya. Ang sarap pisil-pisilin ang mga pisngi niya. Idagdag mo pa na mabait siya. 'Yun nga lang, minsan wagas din 'yan manukso. Well, halos lahat naman kami eh. Minsan nag-aagawan pa kami ni Kathrine kay Bocaj. May crush din kasi 'yun sa kanya eh. Pero 'di ko alam kung may crush pa rin 'yun siya kasi may mahal na siya, 'Yun nga lang may ibang mahal ang mahal niya. Saklap lang talaga ng love story ng kaibigan kong 'to. Don't worry Kathrine. Dito lang kami para pakinggan stories mo. Dapat lagi kaming updated. Haha! Masyaado na rin ako nagiging tsimosa. So, ako pa rin ang labs ni Bocajmylabs. Haha! 'Wag assuming much. Puppy love lang naman 'to.

Anyway, back to present na tayo. Haha! Sorry. Natagalan ba ako sa pagta-time travel ko?

"Si Bocaj ang may kasalanan talaga!" sabi ni Anjie

"Ayaw mo kasing bitawan!" dagdag pa ni Bocajmylabs

Mona POV

Nakita kong tumayo si Jamie at kumuha ng chalk. Sinulat niya ang pangalan nina Bocaj at Anjie sa blackboard.

"Classmates! Magboto kayo kung sino ang may sala!" pasigaw na sabi niya upang makuha ang atensyon ng lahat

"Isama mo na rin diyan si Brii! Siya ang may-ari. Pinapabayaan lang ang mga gamit niya! Kasalanan niya kung bakit niya pa pinahiram," banat naman ni John

Sinamaan naman ng tingin ni Brii si John. 'Di na talaga nagbago 'to si John. Madalas na lang nila pinagtitripan si Brii. Kawawang Brii!

"Hahahahahaha!" natawa na lang si Jamie sa sinabi ni John at sinulat na rin ang pangalan ni Brii. Isa pa ang babaeng 'to eh. Ay hindi! Lalaki pala. Kung umasta kasi 'to minsan kala mo lalaki.

Lumingon si Jamie sa akin. Mukhang may nahalata sa pinag-iisip ko.

"PORK CHOP!" nakangising sambit niya sa 'kin

Talaga naman oh! Sabi na eh. Pinagloloko na naman ako nito. Lagi na lang akong tinatawag na pork chop! Bakit kasi ang taba ko?

"Kasi matakaw ka kumain. 'Di ba obvious?" sigaw ng konsensya ko.

Tignan mo 'to. Pati konsensya ko nakikisali na sa pagtutukso sa 'kin. Akala mo hindi siya ako.

"Anong tingin ka riyan? Nakikita ba nila ako, ha?!" dagdag pa ng bwisit kong konsensya. Namilosopo pa talaga. 'Wag ko na ngang pansinin.

"Isulat mo rin ang pangalan mo riyan! Kasali ka rin diyan!" sabi ko kay Jamie

Jamie POV

"Tse! Manahimik ka riyan!" pagsusungit ko kay Mona

Hehe! Mapagtripan nga ang isang 'to. Kanina pa 'to nagmumuni-muni eh. *evil laugh*

Isulat nga ang pangalan niya sa board.

"Hoy! Bakit napasama ako?" nagtatakang tanong ni Mona

"Manahimik ka na lang diyan at manigas, bago ka pa maging ulam. Kaya, shhhhhh!" utos ko sa kanya at nilagay ang pointing finger ko sa harap ng bibig. Sign na manahimik siya.

Brii POV

Nagdikit na ang mga kilay ko dahil sa pinagsusulat ni Jamie sa board. Ang babaeng 'to talaga! Puro kalokohan din. Tuwang-tuwa siya sa pinagsusulat niya sa board na may nakakalokong ngiti. Binigyan niya pa talaga ng title ang nangyayari ngayon.

"Ang Paglilitis ni Manang Brii! Oh diba! May panlaban na tayo sa dula-dulaang 'Ang Paglilitis ni Mang Serapio! Hanep!" tatawa-tawang sabi ni Jamie sa lahat.

Halata naman talaga sa mukha niya na nasisiyahan siya. Pati na rin ang iba pa naming mga kaklase. Ang totoo? Entertainment show na ata ang ginagawa naming 'to,

"Oh sige. Unang suspect tumayo ka na at ipahayag ang iyong dahilan," sabi ni T, Janice

Seriously? Pati guro nakisali na. Si Jamie naman, feel na feel na ang pagiging judge in the court. Parang nasa korte na tuloy kami at nagkakaroon ng paglilitis sa aking journal. Wow ha! Sikat ang journal ko!

Tumayo na si Bocaj at umayos. Tumikhim pa talaga bago nagsimulang magsalita.

"Kasi teach' si Jamie ang nagsimula ng lahat ng 'to. Pero, si Brii pa rin ang dapat sisihin," pagpapaliwanag naman niya

Aba't! Ako talaga no?! Ako na nga ang nasiraan ng journal, ako pa talaga ang dapat sisihin. Sarap sapakin ng isang 'to eh.

"UNGGOY ka talaga Bocaj! Teka, mali! Nag-evolve ka na pala sa pagiging GORILLA tapos napunta ka na sa final evolution mo, si KINGKONG!" 'Yan ang gustong-gusto ko na isigaw sa kanya. Kanina pa ako nagpipigil dito.

"Tama si Bocaj! Si Brii ang may sala!" pakikisingit ng dalawang mokong na sina Adrian at John. Tumayo pa talaga!

"Oy kayong dalawa. 'Wag na kayong makisabat pa," pagsasaway ni T. Janice sa dalawa

"Teach' ako nga lawyer ni Bocaj tapos si Patrick naman ang witness. Kasama na rin po pala sa mga witness sina Warren at Leonard," paliwanag ni Adrian sa aming guro at tinuro ang dalawa pa nga raw na witness sa kabilang dulo.

Tumango na lang din si T. Janice. Si Warren ay tahimik na nanonood sa amin na may malaking ngiti. Si Leonard naman sobrang tahimik. Weirdo rin ang isang 'yan eh.

Feeling lawyer naman itong si Adrian at maayos na nakatayo na wari'y professional. Si John naman feeling witness din na akala mo nakakita ng isang karumal-dumal na pagpatay.

___________________________________________________________________________

I tried to make it longer since holiday at walang pasok. As requested na rin ni unwantedblues na habaan daw^_^

Ang Pinagkaguluhang NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon