Chapter 4: Napunit!

62 3 0
                                    

Warren POV

Kitang-kita ko ang pag-aagawan nila sa notebook ni Brii. Alangan, katabi ko lang ng upuan ang pinsan kong ubod ng kakulitan. Ang iingay pa talaga nila. Naririndi na ang dalawang tenga ko. Wala na rin akong magagawa kundi panoorin sila mag-agawan.

"Akin na 'yan!" sigaw ni Bocaj kay Anjie

"Ayoko!" sigaw pabalik ni Anjie

"Akin na sabi eh!" pagpupumilit ni Bocaj

"Mamaya na!" inis sa sabi ni Anjie

"Ibigay mo na sa----" hindi na naituloy ni Bocaj ang sasabihin niya nang biglang napunit ang pinag-aagawan nila.

"PAKTAY KAYO!" mahinang sambit ko na tama lang na maririnig nila

Napailing na lang ako. 'Yan ang napapala nila sa sobrang harutan.

Brii POV

Nag-iinit na ang ulo ko rito dahil sa kaingayan nina Bocaj at Anjie. Aawatin ko na sana sila nang biglang napunit ang notebook ko. Futahamnida! Pakinshet! Ang journal ko!

Wala na akong magagawa. Napunit na eh. Dahil hindi ko na kaya ay naghalumbaba na lang ako sa armchair ko. Dito na muna ako mag-eemote. 

"Ang journal ko. Ang journal ko. Wala na. Napunit na. Ano na ang gagawin ko? Uulitin ko ba lahat? May check na pati ng aming guro ang ibang pahina 'nun. Kamalasan nga naman oh! Ang malas-malas ko!" wika ko sa isip ko.

Jamie POV

Aha! Nahanap ko na! 's_ck" pala ang panlima. Nakalimutan ko kaagad. Hanubayan! Tumingin na ulit ako sa aking likod para isulat ito ngunit nakita kong nakahalumbaba sa Brii.

"Brii, napano ka na riyan?" nag-aalalang tanong ko sa kanya

Itinaas niya ang kanyang ulo upang magkaharap kami. Nakasimangot siyang tumingin sa akin.

Nakita ko ang notebook na sinusulatan ko kanina. Putek! Napunit na ito. Nasama pati ang cover nito sa likod. Tiningnan ko ang laman sa loob. Sana naman ay mga notes lang ito. At kung minamalas ka nga oh! Yung journal niya sa Filipino ang nasira. Naku! Sino kaya ang nakapunit nito?

Lumingon naman ako kay Anjie at Jacob na kanina'y maiingay, ngayo'y bigla na lang tinikom ang mga bibig. Anong nangyari sa mga 'to? Hmmm. Mukhang alam ko na kung sino ang nakasira. Hindi makatingin nang diretso ang dalawa. Pinaningkitan ko sila ng aking mga mata na lalong sumingkit lang. Tila nagtatanong ako ng "Sinong may sala, ha?"

Bigla na lang umiling ang dalawa at nagkagulo na nga. Naagtuturuan at nagdadahilan. Ang iba naman diyan ay nakisali na rin. Dumagdag pa sila sa ingay.

"GULO na naman ito=__=" mahinang sabi ko sa sarili.

_____________________________________________________________________________

Wooooooh! Paano kaya matitigil ang gulong ito?

Abangan........

Ang Pinagkaguluhang NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon