Brii POV
"Teach . . . . . . . . . . . ano. . ako na lang po ang bahala mag-ayos ng journal ko. Gagawa na lang po ako ulit na bago, siguro," sabi ko sa aming guro
'Kruuu kruu kruu' . . . . . . . . . . . . . . . . . >_< Shemay! Bakit ganoon? Biglang tumahimik ang paligid. Nagsitigil ang lahat at tinignan ako. Bigla namang parang may malamig na bagay ang dumaloy sa katawan ko at nanginig ako. Naiilang na tuloy ako. Wagas kasi makatingin ang mga taong 'to. Ewan ko nga kung pwede ko pa 'yan silang tawaging completely na tao. Dahan-dahan kong tinignan ang mga mukha nila. May nakanganga't nanlalaki ang mata. Halatang nagulat kaya biglang natulala. Pasukan sana ng langaw 'yang bunganga niyo. Hindi pala SANA, DAPAT talaga lang na pasukan. Tusukin ko mga mata nila eh. Meron naman diyang gusot-gusot na ang mukha. Nagsalubong ang kilay at nakakunot ang noo. Magtatanda 'yan nang maaga. Ang dalawang ugok naman sa harapan ay nakangisi na kala mo ay nanalo sa pustahan. Well, parang nanalo na nga sila. Ako na ang nag-amin kahit wala naman akong kasalanan. Wala na rin akong magagawa eh. Ako rin naman ang may-ari ng gamit. Ako na nga ang nasiraan, ako pa rin ang dapat na may kasalanan. May iba naman diyan na walang pakialam. Pokerface lang ang mga mukha. Mga ayaw makialam at kunwari busy sa pinaggagawa nila.
Maya-maya.. . . . .. . "WOOOOOOOOOOOOHHHH!!!!! YEAHHHH!!!! PANALOOOO!"
PAKING TAPE! Muntikan na masira ang ear drums ko roon ah! Bigla ba naman nagsigawan nang napakalakas na ang akala mo'y nanalo sa lotto. 'Yung mga nananahimik naman nakatakip na sa tenga at naiinis. Sino ba ang 'di maiinis? Ikaw kaya sigawan sa tenga, anong reaksyon mo? Siyempre, maiinis ka o magagalit. Baka nga sigawan mo rin 'yun at nagsuntukan pa talaga kayo.
"PATIENCE Brii. PATIENCE," pagpapakalma ko sa sarili ko. Sasabog na ako rito eh. Masira pa ang buong planeta. HAHA! Joke lang naman. Masyado na naman akong assuming. Ginawa ko pa ang sarili kong mas malala pa sa nuclear bomb. Teka, ano pala ang lalakas pa sa nuclear bomb? Blanko na naman utak ko==__==.
"BRII BALOT GRAZELDA, FOUND GUILTY!" masayang sigaw ni Jamie at nilagay pa sa board
Ang babaeng 'to sarap kutusan!
"GUILTY! GUILTY! GUILTY!" paulit-ulit na sabi nina Adrian na acting cool at John na feeling gwapo
"Oh ayan! Solve na ang problema niyo. Si Brii na lang daw ang gagawa ng paraan. May reklamo pa ba?" sabi ni T. Janice
Buhay nga naman oh! Imbis na damayan pa ako, nagsiya pa talaga sila! NIce friends I have here.
Tinignan ko naman ang mga reaksyon ng iba ko pang mga kaklase. Si Jacob at Anjie, tuwang-tuwa at nakatakas sila sa kasong 'to. Nakahinga pa nang maluwag. Wagas pa talaga tumawa ang mga putek! Ang iba naman diyan . . . .. "NO COMMENT". May ibang bagay pang iniisip. Ang iba nakikitawa na lang. May nagko-congrats pa talaga!
WHAT A LIFE!
Third Person's POV
Sa buhay natin, marami tayong pagdadaanan, pero nandiyan lang ang mga kaibigan upang tulungan ka. Sa makulit na klase na 'to, mayroon na silang mahabang pagsasama. Simula preschool hanggang high school ay magkakasama pa rin sila. Marami nang mga pinagsamahan at tinuturing nila ang isa't isa na kapatid. Magkakasama sila sa mga kalokohan at walang pikunan.
-----------------------------------------------------END--------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Ang Pinagkaguluhang Notebook
Teen FictionPuro mga kalokohan ang nakalagay dito. Dahil sa isang walang kaalam-alam na notebook ay nagkagulo pa ang buong klase. Isang maliit na bagay pinapalaki, dahil na rin sa mga makukulit na characters dito.