Chapter 3: Ano 'yan ha?!

91 3 0
                                    

Brii POV

Kasalukuyan kaming may klase ngayon. Pinapagawa kami ng essay kung ano ang relationship ng churvaness at achuchu. Magsusulat na lang ako sa journal ko dahil tapos na rin ako. Dito ko nailalabas ang lahat ng aking nararamdaman. Sa likod ng aking kwaderno, gumuguhit ako ng mga kung anu-ano na tungkol sa kpop, nang biglang lumingon si Jamie.

Jamie POV

Tapos na rin ako sa sinusulat kong essay at naghahanap ako ng pwedeng mapaglibangan. Lumingon ako't nakita ko si brii nagsusulat sa notebook niya.

"Ano 'yan brii?" sabi ko

"Wala lang. Boring eh." sagot naman niya

"Ahh. Pasulat din ako ah?" tanong ko ulit

"Okay. Dito ka banda magsulat." pagpayag niya

"Arigatou^_^" pagpapasalamat ko naman

Kinuha ko ang itim na ballpen niya at nag-isip ng pwedeng isulat. Naalala ko naman ang GM ni kuya Thomas kanina. At iyon na nga ang sinulat ko..

"f_ck

d_ck

s_x

_ock"

Pinipigilan ko na lang ang hagikgik ko habang sinusulat ko 'to. Pero mahirap itago eh, kaya siguradong nahahalata nila na nagpipigil ako. Ngumiti na lang ako nang napakalaki.

"Matakot kayo sa ngiti ko! Mwuhahahaha! Ako na ang weirdo!" sigaw ko sa isip ko

"Fill in the blanks. Hulaan niyo kung anong letter ang tama." sabi ko kay Anjie at Brii

"Teka nakalimutan ko ang panlima. Wait lang." dagdag ko pa

Nakalimutan ko ang panlima kaya kinuha ko ang O+ 8.31 Android ko upang basahin ulit ang GM.

Anjie POV

Nakita ko si Jamie na nagsusulat ng kung ano sa notebook ni Brii. Magkadikit lang naman upuan namin eh. Tapos si Jamie ay nasa harapan namin. 

"Fill in the blanks. Hulaan niyo kung anong letter ang tama." wika ni Jamie

"Teka nakalimutan ko ang panlima. Wait lang." dagdag niya pa

Habang tumitingin siya sa kanyang cellphone ay ipinakita ko ang sinulat niya sa mga lalaki sa likod. Nandoon sa pinakalikod ang lahat ng lalaki. Nakita naman ito agad ni Bocaj at nagsisigaw na.

"Alam ko 'yan! Alam ko 'yan!" paulit-ulit na sabi niya

Hawak-hawak ko pa ang notebook nang bigla niya itong hinila at...................................................... ,..........NAPUNIT!

"Uh, oh!" wika ko

Bocaj POV

Naalala ko ang mga salitang 'yun kaninang umaga. Sinagut-sagotan namin 'yon kanina.

"Alam ko 'yan! Alam ko 'yan!" paulit-ulit na sabi ko

Nabuhay na naman ang aking pagkamalikot at hinablot ko sa kamay ni Anjie ang notebook. Kaso ang nangyari.................................................. NAPUNIT! Hindi ko sinasadya!

"Yari." sinabi ko nang mahina at lumingon kay Brii

__________________________________________________________________________

Naku, naku, naku! Lagot kayo kay Brii! Sino ang dapat managot?

Ang Pinagkaguluhang NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon