Chapter 5: Sino dapat sisihin?

54 3 0
                                    

Brii POV

Sino nga ba naman ang aamin na siya ang sumira sa journal ko? Siyempre, 'di yan sila magpapatalo. Magdadahilan at magdadahilan 'yan sila.

"Uyy, sino nagsira ng notebook ni brii?" tanong ni Jamie sa dalawang mokong na nagsira sa journal ko:'(

"Hindi ako 'yun ah! Si Bocaj 'yun!" pagtuturo ni Anjie kay Bocaj

"Anong ako?! Ikaw kaya 'yun!" pagtatanggi rin ni Bocaj

"Ikaw! Ikaw kaya 'tong nang-aagaw ng notebook. Kita mo namang hawak-hawak ko, aagawin mo pa!" sigaw niya kay Bocaj

"Eh ikaw kaya 'tong ayaw pa ibigay sa akin. Sinabi ko na ngang bitawan mo dahil sasagutan ko 'yun eh! Ako pa talaga sinisisi mo!" pagtatanggol ni Bocaj sa sarili

At pabalik-balik na ngang pagtuturuan ang ginawa nilang dalawa.

"Hindi! Si Brii dapat ang sisihin! Siya ang may-ari ng gamit, pahiram-hiram niya pa sa iba." pakikisingit ni John.

Isa pa 'to eh. Dadagdag pa sa ingay! Walang kwenta pa talaga ang binigay na opinyon. Ako pa tlaga ang sinisi. eh hindi ko naman 'yan pinahiram sa iba eh. Nagsusulat-sulat lang kami rito. 'Yun nga lang, pinagkalat pa ni Anjie sa mga lalaki riyan sa likod kaya nagkanda-letse-letse na.

"Pabaya kasi sa mga gamit!" dagdag ni John

Aish! Nakakainis na 'to ah!

"Di ko naman 'yan pinahiram sa kanila eh. Nagsusulat-sulat lang kami rito." sabi ko kay John

"Asa ka pang makikinig sa 'yo yan. Asaness men!" sigaw ng konsiyensya ko. Aba! Nakisali pa 'to!

"Tsk. Kasalanan mo pa rin. Pabaya ka kasi!" angas na sabi ni John

"HIndi! Dapat si Jamie ang dapat sisihin! Siya ang nagpasimuno nito! Kung 'di niya sinulat 'yun, 'di sana masisira notebook ni Brii!" biglang singit ni Jacob

Mastermind? Si Jamie? May punto naman siya na si Jamie nga ang nagsulat nito, pero 'di na niya 'yun kasalanan na pinairal nila ang kaharutan.

"Ako pa talaga ang sinisi 'no? Eh sino ba naman diyan ang nag-aagawan ha?! Mapilit kasi. 'Di ka naman inutusan na sagutan 'yun!" sabi ni Jamie kay Jacob

Chloe POV

Ang iingay naman nila. Turuan nang turuan. Di na lang kasi umamin. Pinapalala pa talaga ang gulo. Mga walang magawa sa buhay. Di ba nila alam na naiistorbo nila ang beauty ko? Gumugulo tuloy ang laman ng utak ko. Di ako makapag-concentrate sa ginagawa kong essay. Mabuti't absent ngayon si Shanice. For sure, rinig sa buong campus ang kaguluhan dito. Di na ako magtataka dahil ang boses niya parang laging may katabing mikropono.

Tatahimik na lang ako rito. Mas lalala pa 'yan kung makikisali pa ako. Kailangan ko pang  tapusin ang essay na ginagawa ko. Mga istorbo talaga oh!

"Tahimik much nito. Hehehe," komento sa 'kin ni Jamie na katabi ko lang

"I-ignore mo na lang 'yan," sabi ko sa sarili ko at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Julia POV

Buti pa kami ni Chloe tahimik lang. Busy na busy kami pareho sa paggawa ng essay namin.

'Di na kinaya ng guro namin ang ingay kaya tinanong na niya kami kung anong nangyayari.

"Oh, ano na namang ingay 'yan?" tanong ni T. Janice

"Teach' napunit po ang notebook ni Brii," pagsagot ni Leonard

"Teach' journal niya pa naman 'yun," dagdag ni Jamie

"Sino nagpunit?" tanong ulit ni T. Janice

"Teach' ganito kasi 'yun..." sagot ni Anjie at umupo sa upuan sa harap ng teacher's table.

'Alangan namang sa sahig 'no?' Sabi ko sa sarili ko. Namilosopo pa talaga ako sa sarili ko=__=.

"Wooooh! Anjie kelangan pumunta pa talaga sa harap ng teacher?" Sabat naman ni Mona na sa kaliwa ko lang

"Sige Anjie. Mag-explain ka. Haha!" masayang sabi ni Warren na may nakakalokong ngisi sa mukha niya. Tila natutuwa pa talaga ang isang 'to. Mukhang nasisiyahan pa talaga sa kaguluhang 'to.

_____________________________________________________________________________

Ganito po pala ang arrangement ng classroom nila:

                                                                                         --teacher's table--

--Adrian--/--John--/--Bocaj--/--Warren--/--Leonard--

--Kathrine--/--Yage--/--Brii-/--Anjie--

--Shanice--/--Chloe--/--Jamie--/--Julia--/--Mona

             ---blackboard---

Oh diba! Center of attraction talaga si Brii dahil sa gitna talaga siya naka-pwesto.

Ang Pinagkaguluhang NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon