Brii POV
Halos araw-araw na lang, ako ang laging kawawa. Ako ang madalas na pagtripan. Hindi naman ako pangit. May kagandahan rin naman kahit papano. Pero bakit ako ang madalas na pagtuunan nila ng pansin? Dahil ba sa mahina ako? Dahil mukha akong walang kalaban-laban? Oo, emosyonal akong tao. Pwede mo na rin tawaging iyakin. Pero hannga't maaari, ayokong umiyak sa harapan nila. Baka mas lalo pa nilang isipin na mahina ako.
Ako si Brii Balot Grazelda. Nag-aaral ako sa isang pribadong paaralan dito sa aming bayan. May-kaya naman ang mga magulang ko kaya napapaaral nila ako rito. Isa lang naman ang private school dito, ang Akamij Science High, in short ASH. Grade 9 na ako ngayon. Sa totoo lang, ayoko talaga sa k-12 na 'yan. Isipin mo ha? Ang hihirap na nga ng mga pinagagawa ng mga guro, dadagdagan pa ng pangulo ng 2 taon na pagpapahirap. Ang arte kasi ng pangulo. Gaya-gaya masyado. Walang originality.
Anyway, punta na tayo sa klase ko. 14 kaming magkakaklase rito. May limang lalaki at siyam na babae. Ang masasabi ko lang, mga pasaway kami. Puro kalokohan ang mga pinanggagawa namin, lalo na ang mga lalaki. Talo pa ang mga babae. Sila pa 'yan ang madalas na maingay sa klase, kaya sila rin ang madalas na pagalitan. Ipakilala natin sila isa-isa. Lahat sila'y magagaling sa sports tulad ng basketball, volleyball, at frisbee.
Una, si Bocaj Lbedi, ang pinakapasaway sa klase. Siya ang pinakamaliit sa mga lalaki at medyo may pagka-chubby.Madalas 'yan siyang nangunguna sa mga kulitan at kaingayan, ngunit 'yan ang artist namin sa klase. Magaling kasi siya sa arts eh.
Pangalawa, si John Domingo, ang feeling gwapo sa klase. (A/N: siya lang ang nag-iisip na feeling gwapo si John). Yeah right! Oo na, aaminin ko na! May hitsura naman siya eh. Matangos ang ilong, matangkad, at may namumuong mga abs>.<! Madalas nga lang siya mang-asar, pero sa ibang kaklase namin mabait siya! Langya siya! Siya rin pala ang president sa klase namin. Ang malala pa, ako ang vice-president. Ang dahilan ng lahat? Wala lang. Trip lang nila. Para may maiba naman daw sa pamamahala sa klase, pero wala rin namang nangyayari.
Pangatlo, si Adrian Padilla, ang acting cool sa aming klase. May pagkabaliw din yan. Minsan, naiinis na ako sa mga jokes niya na hindi naman nakakatuwa.
Pang-apat, si Warren Garcia, ang tahamik na lalaki pero may pagkamaharot din. Magpinsan sila ni Bocaj. Kapag nakikita mo siya, aakalain mo na siya na ang matino sa klase, pero may pagka-mapang-asar din 'yan. Pero matino rin naman 'yan siya paminsan-minsan. Naging president din naman namin siya last year. Gwapo rin naman siya at hot, pero taken na. Nagsisimula pa lang siya lumaki. Siya kasi ang pinakamaliit sa klase dati.
Panlima, last but not the least, Leonard Villafuente, ang pinakatahimik sa klase, siguro? May katangkaran naman siya at minsan, ewan ko kung paano ipapaliwanag ang pagsasalita niya.
BINABASA MO ANG
Ang Pinagkaguluhang Notebook
Novela JuvenilPuro mga kalokohan ang nakalagay dito. Dahil sa isang walang kaalam-alam na notebook ay nagkagulo pa ang buong klase. Isang maliit na bagay pinapalaki, dahil na rin sa mga makukulit na characters dito.