Chapter 7: Kalokohan

56 4 2
                                    

Update na naman agad:)

Dahil nga mabait ako at masipag, sunod-sunod na update. Wala rin naman akong masyadong ginagawa ngayon dahil katatapos nga lang ng exam namin.

Enjoy reading this chapter^__^

_____________________________________________________________________________

John POV

Hi! Ako nga pala si John Domingo *smile:) then winks^_-. Siguro naman kilala niyo na ako dahil ako ang pinakagwapo sa aming klase. Magaling pa sa sports.  Hindi naman sa nagmamayabang pero....... totoo naman talaga eh. 'Wag ka nang umangal dahil alam kong naglalaway ka na sa 'kin. Haha! Joke lang. 

"Ang swerte ko talaga sa upuan ko ngayon," wika ko sa sarili.

Nakangiti akong nakatingin sa harap ko na mukha na ngang tanga. Siyempre, di ko pinapahalata 'no. Masabihan pa ako rito na baliw. Ang dahilan kung bakit, nasa harap ko lang naman ang aking crush. Paghanga lang naman. Ang ganda talaga kasi niya. Kilala niyo ba kung sino? Kung nakita mo ang seating arrangement namin, malamang alam mo na. Comment ka na lang kung tama ang hinala mo.

Hindi naman lagi na lang sa kanya nakatuon ang pansin ko. May nililigawan din naman ako 'no. Alangan, maganda rin 'yun. Ang kaso nga lang basted na naman ako. Buhay nga naman oh. Kunwaring pa-hard-to-get pa kasi ang mga babae ngayon.

Kasalukuyan kaming nagsasaya ngayon. Siyempre, kinakawawa kasi namin si Brii. Ako naman itong tinuturong suspek si Brii at para naman mapansin ako ni crush<3. Sinusungitan na kasi niya ako minsan.

Join forces kami ngayon ni Adrian para pagtakpan si Bocaj. Tulong-tulong din 'pag may time. Kami-kami na nga ang madalas magkakasama, sa kalungkutan at kasiyahan. Takte! Ang baduy ng pagkasabi ko nun ah. Tsk. Nevermind=__=.

 "T. Janice si Brii ang may sala. Siya ang may-ari ng notebook. Kung di niya pinahiram sa iba, di sana masisira 'yun. Pabaya kasi sa gamit," paulit-ulit na panunukso ko kay Brii

Ewan ko nga ba. Madalas talaga namin 'yan siyang tinutukso. Pero halos lahat naman tinutukso namin. Mga bully kasi ang klaseng 'to eh. Pero, may respeto pa rin naman ako sa babae 'no. Gentleman kaya 'to.

Adrian POV

"Pssst! John, tara gawa tayo," pagtawag ko kay John

"Anong gawa ka diyan? Mag-isa ka! 'Di tayo talo!" sabi ni John na may halong pandidiri

Ay lintik nga naman oh! Mali pa ang pagkakaintindi. Green minded pa ang loko. Ginawa pa talaga akong bakla! Sinapok ko nga sa ulo.

"ARAY! Problema mo ba?!" inis na sabi niya

"T*nga*! DI pa kasi ako tapos sa sinasabi ko. Masyado nang green minded 'yang utak mo," iritang sabi ko sa kanya

"Eh ano pala?" takang tanong niya

"Sulat tayo sa bond paper tapos rally tayo sa harap," sabi ko na may nakakaokong ngiti

"Oh sige!" interesadong pagtango niya sabay ngiti rin nang nakakaloko

Kumuha kaming dalawa ng bond paper at nagsusulat-sulat ng kung anu-ano.

Pagkatapos.."Tara punta na tayo doon sa harap," pag-aalok ko kay John

"Okay! Tara na!" pagsang-ayon niya

Tumayo na kami at mabilis na pumunta sa harap at tumabi kay T. Janice at itininaas na nga ang bond paper. Kunwari kami ay nagrarally dahil tutol kami sa pangyayaring ito, para COOL.

"GUILTY SI BRII!" sigaw ni John

"GUILTY SI BRII!" sabay naming sigaw ulit

"IBAGSAK! IBAGSAK! IBAGSAK!" sigaw pa namin. HAHA! Saya lang talaga nito.

Ang guro naman namin ay natatawa na lang. Kunwari kaklase rin namin at nakikisaya.

Biglang tumayo si Brii nang marahas na dahilan para umatras ang kanyang upuan at gumawa ng malakas na ingay. Napatakip naman kami ng tenga at napunta ang atensyon ng lahat sa kanya. Halata ang inis sa kanyang mukha.

Leonard POV

Grabe! Nangilo ako sa ginawa ni Brii. Pabagsak ba namang tumayo kaya gumawa ng ingay ang upuan. Gusto ko na rin sanang magsalita kaso baka madamay pa ako diyan at barahin pa. 'Yan pa naman ang hilig

"Bakit? Kubeta ka ba na barado?" sigaw ng isip ko.

"Ay tanga mo talaga," dagdag pa niya.

"Oo na! Kaya isa ka ring tanga. Manahimik ka na lang diyan. Shut up, okay?" sabi ko sa kanya

Hanep! Naka-english ako! Nosebleed na 'ko.

"Fine!" sagot naman niya.

TIgnan mo 'to. Nahawa na rin sa 'kin. Eh siyempre parehas lang kami. 'Tanga lang! Tanga lang!'

Haayy! Nagmumukha na ako ditong baliw kakausap sa sarili ko.

Nakita ko naman sina Adrian at John na dinikit ang sa board ang bond paper. May nakasulat itong "Ibagsak!" at "GUILTY SI BRII BALOT GRAZELDA". May drinawing pa si John na hugis itlog sa board.

"Oy Brii! May I.D. ka pa oh!" tawag niya kay Brii.

Hulaan ko! BALOT ang ibig sabihin niya doon sa I.D. Nabasa niyo na rin siguro na Balot ang middle name niya. Ang lalakas talaga ng trip ng mga kaklase ko, habang ako naman 'di makaangal. Sanay na sila eh. Ako hindi pa! Pero nasanay na lang din ako sa mga ugali nila.

Nakita ko naman na parang nagdidilim na ang mga mata ni Brii. Sasabog na ata eh. Parang kinilabutan ako doon ah. Manahimik na lang nga.

Brii POV

Aaaaaaaargh! 'Di ko na yata ko kakayanin. Pinipigilan ko na lang talaga ang sarili ko na huwag umiyak at magsisigaw. Alam ko naman na nagkakasiyahan lang kami. Sus! 'Di pa ako nasanay. Palagi naman kaming ganito eh. Lagi na lang may tuksuhan.

Alam kong magtatagal ang paglilitis na 'to hangga't walang umaamin.

"Oh! Ano na ang gagawin diyan sa notebook ni Brii? Sino ang gagawa ng paraan?" pagtatanong ng aming guro

"Bocaj! I-rewrite mo na lang lahat ng nasa journal ni Brii! Haha!" natutuwang sabi ni Jamie kay Bocaj

NO COMMENT lang si Bocaj at naghihintay sa sasabihin pa ng aming guro.

"Oh, ano na?" tanong muli ni T. Janice

Hayyyy! HInga nang malalim. Wala na talaga akong choice nito. Wala rin namang aamin. Mababait talaga ang mga classmates ko eh. Sobrang bait! *insert sarcasm here*

No choice! Kailangan ko na talaga itong gawin. Here it goes!

Tumayo na ulit ako at tinawag ang aming guro. "Teach'. . . . . . . . . . . "

_______________________________________________________________________

Hahaha! Hanggang diyan na lang muna.

Malapit na rin matapos ang short story na 'to.

Ang author nga pala ay kasali sa story na 'to. Sino ako sa mga character? Hulaan niyo.

Vote & Comment na lang po.

Kung mahulaan niyo, dadagdag ako ng extra chapters.

Ang Pinagkaguluhang NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon