Isang maligayang pagdating muli!
May nagpadala sa akin kasi ng mensahe sa ating pahina sa peysbuk. Isang manunulat na nais sumubok sumulat sa genre na historical fiction. Humihingi siya ng payo bilang baguhan sa genre na ito kaya naman nagtanong ako't nangalap ng mga katugunan mula sa ating ilang mahuhusay, kilala at datihan ng nagsusulat sa historical fiction.
Aking kinalap ang kanilang mga tugon at napagpasyahan na ilapag dito sa Wattpad upang sa gayon din ay makatulong sa mga nagnanais sumubok na magsulat sa genre na akin ngang nabanggit.
Nawa'y makatulong ang kanilang mga tugon sa mga nagbabalak na sumubok magsulat sa isa sa pinakamahirap na genre. Lalo na't kinakailangan nito ng mabusising paglalahad at pagbibigay ng inpormasyon dahil kasaysayan din ng ating bansa ang sangkot dito.
Ayon. Maaari na po kayong tumungo sa susunod na pahina.
Maraming salamat!
BINABASA MO ANG
#HistoFicKATANUNGAN
Historical FictionAno ba ang mga kailangan at hindi dapat sa pagsusulat sa genre na historical fiction? IPINASKIL: Ika-18 ng Disyembre 2018