Una sa lahat, 'wag tamarin.
Eto ang long-delayed part 2 ng sagot ko. Lol.
Nung ginawa ko yung mga kwento ko, wala naman sa isip ko na gagawin ko silang ultra legit HisFic or anything. I just wanted to share the stories because there's this overwhelming urge for me to do so. Doon talaga nagsimula iyon. Lalo na sa kaso ng kwento ni Rogelio, grabe. Para bang hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naisusulat at hindi ko naibabahagi sa mga tao ang mga kwentong ito. It just so happened that these stories fall under historical/period fiction. It also happened that because of my curiosity and immense interest in the past decades so I have the eagerness to learn a lot more about it long before I decided to write about them. So at least may mga ideas na ako tungkol sa sinusulat ko, but all the more research is still needed.
Ang akin lang dito, kung mangangahas kayo na pasukin ang pagsusulat hindi lang ng historical fiction pero ng kahit anong kwento, siguraduhin ninyo na ginugusto ninyo ito sa pangkalahatan at hindi yung gusto lang ninyong sumikat, mapansin, makilala, etc. Yung kagustuhan mo na ibahagi ang kwento, yun ang intrinsinc motivation mo para magtuluy-tuloy. Yun bang hindi mo iniisip masyado kung gaano karami ang bumabasa sa kwento mo, ang mahalaga ay may nagbabasa at patuloy ka lang sa pagkukwento.
Maging responsable kayo sa sinusulat ninyo. Kalokohan lang yung eme eme sa tabi-tabi na kesyo fiction lang ang kwento kaya okay lang na hindi makatotohanan—N O O O O. Haha. Bahagi ng responsibilidad ng manunulat na gawing makatotohanan ang kwento. Unless may iba pa kayong objective, na maging totally absurd and all but that's another issue.
Try to find that writer's passion within you. That kind of passion is needed to bring life to the story you will tell. Kung sa palagay ninyo na at some point mukhang hindi pa sapat yung passion na yun, wag munang pilitin ang sarili kasi magiging evident yung pagka-pilit sa output mo. Mahalin mo yung ikukwento mo. Kasi bago yan mahalin ng iba, mauuna ka muna bilang creator ng kwento. Parang pagmamahal ng magulang sa supling na nagmula sa kanya.
And I thank you!
-
Si AnakDalita ang isa sa pinakamatagal ng manunulat sa historical fiction dito sa Wattpad. Ang kanyang mga akda ay pinamagatang Tú Es Mi Amor (Ang Pag-ibig Ko'y Ikaw) at ang Ligaya Ko'y Ikaw, RLdR.
P.S
Sa mga mahihilig manood po ng pelikulang may kinalaman sa kasaysayan ng ating bansa, iniimbitahan ko po kayo na panoorin ang ARIA! Isang pelikulang hatid sa atin ng Holy Angel University Center for Kapampangan Studies. Tumatalakay po ang naturang pelikula sa ikalawang digmaang pandaigdig.
Tampok po sa nabanggit na pelikula ang ating manunulat na si AnakDalita. Halaw ang kanyang karakter kay Kumander Dayang-dayang na isang matapang na babaeng War Veteran mula sa lalawigan ng Pampanga.
Sana po'y inyo itong mapanood at suportahan din natin ang mga lokal na pelikulang atin higit lalo pa't may kinalaman din ito sa ating pagka-Pilipino.
Palabas pa rin ang ARIA sa Cinema Centenario hanggang ika-29 ng Disyembre 2018.
TICKET PRICE:
REGULAR - 200php
STUDENT - 150phpPagkukusa ko po ito bilang suporta sa isa sa ating mahusay na manunulat dito sa Wattpad sa kanilang pelikulang ARIA.
Maraming salamat! :)
BINABASA MO ANG
#HistoFicKATANUNGAN
Tiểu thuyết Lịch sửAno ba ang mga kailangan at hindi dapat sa pagsusulat sa genre na historical fiction? IPINASKIL: Ika-18 ng Disyembre 2018