Magbibigay na rin ako ng payo... tutal napadpad ako dito ng 'di sinasadya. 😂 HisFic writer ako sa Wattpad at ito talaga ang fav genre ko.
Sa pagsusulat ng Historical Fiction hindi porke old ang setting ng story ay HisFic na siya. Kailangan itong ma-justify ng mga sumusunod:
1. Language - NEVER used two different languages sa narration. Kailangan pure Tagalog o pure English lang. Sa Dialogue tag lang puweding gumamit ng ibang language depende sa nationality and adopted culture ng characters. Ex. Filipino na marunong magsalita ng Kastila o English during the particular set of era. Pero kailangan tama ang panahon o taon ng story during their colonization.
2. Characters' Knowledge and Actions - kailangan maipakita dito ang sinaunang kultura. Kung gaano kalimitado ang kaalaman ng characters. Basically, kailangan nating mag-base sa era o taon ng setting ng story.
Ex. Kung ito'y set from 150 BC era... Research natin kung paano mamuhay ang mga tao sa panahon na ito. Hanggang saan ang saklaw ng kaalaman nila. Lalo na sa mga kagamitan... invented na ba sa panahon na ito ang orasan? May Julian Calendar na ba that time? May 360 days na ba tayo noon para mabilang ang isang taon? Aside from kalesa at mga kabayo, may iba pa bang means of transportation noon? Paano sila nakakapag-locate ng bawat lugar? Etc. -- ung mga ganitong examples po ay napaka-importante sa pag-build natin ng story. Kahit sabihing FICTIONAL lang kailangan pa rin nating inbase sa tamang civilization at knowledge.
-
Si Myra1493 ay isa ring manunulat sa historical fiction. Ang kanyang akda ay pinamagatang Krissian Princess "The Battle of Four Empires.
BINABASA MO ANG
#HistoFicKATANUNGAN
Historical FictionAno ba ang mga kailangan at hindi dapat sa pagsusulat sa genre na historical fiction? IPINASKIL: Ika-18 ng Disyembre 2018