1.) Research lang po.
Sa lahat ng dyanra, historical fiction ang pinaka-kailangan ng matinding research since based on real life and events 'yung kwento. Kahit na fictional lang siya we need to have a touch of truth sa story. Dapat alam nating 'yung detalye lalo na sa settings. 'Yung settings po kasi talaga nagsisilbing life blood ng historical fiction. As for settings ito po 'yung time, place and way of life. Kailangan tama and accurate ang mga detalye.
Ex:
'Yung psychology and mindset nung mga tao noong let's say Panahon ng Roman Empire ay naiiba sa panahon ng WWII and 'yung way of life rin natin ngayong 2020 ay naiiba sa 2 eras na aking nabanggit, by searching the settings, para bang mabubuhay at magbabalik tayo sa time period na pinangyarihan ng isusulat nating kuwento. That is the essence of historical fiction para itong time machine.
2.) Liberties
You can add liberties sa kuwento since fictional naman ito, p'wede mo gawin kahit ano sa mga characters, p'wede kang maglagay ng mga twist and turns, as long as hindi nito maaapektuhan 'yung settings. Ayos lang.
Halimbawa:
Kabilang pala 'yung tauhan mo sa mga reason kung bakit naganap ang ang isang historical event.
3.) Historical Figures
Sa pagdadagdag natin ng mga kilalang historical figures mas mararamdaman ng mga readers na nandoon sila sa settings ng kuwento. Mostly minor roles and cameos lang sila but it is still an icing on the cake. Siguraduhin lang natin na faithful ang adaptation nila sa kwento. This goes back to number 1. Do research about it.
Sana po nakatulong 'yung mga tips.
-
Si johnmg95 ang kumatha sa Bataan 1945: Ang Huling Gunita.
BINABASA MO ANG
#HistoFicKATANUNGAN
Narrativa StoricaAno ba ang mga kailangan at hindi dapat sa pagsusulat sa genre na historical fiction? IPINASKIL: Ika-18 ng Disyembre 2018