Sagot Mula kay Mystrielle

175 11 0
                                    

Noong sinusulat ko ang EV ito ang mga pinaggagawa ko, sana makatulong na makadagdag nang impormasyon.

RESEARCH - pinakamadugo ito dahil usapang nakalipas ang karamihan sa impormasyong ipapaloob sa HisFic.

Ilan sa dapat isaalang-alang ang mga sumusunod.

A. Setting: Spanish Era ba? American o Japanese occupation, Martial law?

B. Location: Sa lugar ba na malaki ang kontribusyon sa kasaysayan, naitatag o nag-e-exist na sa panahong nais mong isulat? Historically significant ba ang bayan na gagamitin mo?

C. Language - nakita ko ito sa post ni Pinayblonde/ Rai Rocio. Paano ang pagsasalita nila (purong tagalog, Spanish, Japanese, English, etc), ano ang karaniwang ekspresyon (dios mio! Santisima! Por dios, por santo! etc).

D. Kasuotan/Clothes - hindi porke spanish era ay pare-pareho ang disenyo ng damit, may evolution ang baro't saya kaya talagang magreresearch ka sa year bracket kung saan mo napiling ilagay o i-set ang kwento.

E. Small details - ano ang tawag sa mga perang ginamit per era/occupation, fan language, endearment, mga design at structure ng bahay, mga kasangkapan sa bahay etc. Kaya uli, research.

Itong mga nabanggit ko, para sa world building ng hisfic story na isusulat. Matrabaho ito pero worth it dahil may matututunan ka sa pagtagal.

RESEARCH MATERIALS
- numero uno siyempre ang history books.

- essays, articles written by known historians

- mag-google rin for quick research lalo pag nasa kalagitnaan ka ng pagsusulat tapos hindi mo alam ang meaning nang salitang ginamit mo o kaya naman bagay/lugar/pictures kung saan pwedeng makakuha ng dagdag info.

Iyan muna. For sure may masasabi pa ang ibang mga hisfic writers sa Wattpad.

-

Si mystrielle ang may-akda ng Esta Vez (This Time).

#HistoFicKATANUNGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon