Nagising ako sa isang malambot na kama.
"Arhhhh" habang umuunat ako nakaramdam ako ng pag galaw ng kama 0__0
Tumingin ako sa kaliwa nakita ko doon ang maamong mukhang natutulog.
Bakit nandito si eunwoo?
Bakit katabi ko siya matulog?Ayyy oo nga pala kagabi 0__0
Bumangon ako at pinag pag ang suot kong uniform.
Binuksan ko ang pintong kulay pula at agad na lumabas."Ohhh yannie ang aga pa ahhh tulog kapa" tinignan ko si rusty na kakalabas lang sa pintong kulay blue, kalapit lang siya sa kwarto ni eunwoo .Humikab pa ito at hinawakan ako sa kamay at patakbong bumaba sa hagdanan,
Huminto kami sa malaking lamesa na puno ng pagkain sinenyasan niya ako na maupo.agad akong Umupo at tinignan siya.
"Kain kana sabay ka na lang sa akin papasok din ako sa school" wow pumapasok pala toh di ko siya nakita kahit isang iglap lang doon sa school.Baka sa ibang school siya nag aaral. Tumango lang ako bilang sagot ko.
Habang kumakain ako Nakarinig ako na may bumaba sa hagdan.
Napatingin ako sa likod ko. kung nasaan ang hagdanan.
Nakita ko doon si eunwoo na masama ang tingin sa akin na para bang umuusok ang tenga sa galit,lumapit siya sa direksyon namin at umupo siya sa tabi ko.
"Yannie di ka papasok mamimili ka pa ng gown para sa kasal mamaya" naubo si rusty sa sinabi ni eunwoo.
"Wohhhh seryoso yannie papakasalan mo kakambal ko nakuuuu ingat ka diyan mapag-larong tadhana yan pero pag nagseryoso yan ibubuhos niya lahat mapasaya lang ang babaeng mahal niya .
Nginiti-an ko si rusty pero pilit lang.Tumayo si eunwoo at hinawakan ako sa braso, hinila ako ni eunwoo kaya napatayo ako.
Papalabas na sana kami ni eunwoo sa pinto na may sumigaw sa loob."Yannie" tumigil si eunwoo sa pag hihila sa akin. napalingon kaming parehas sa loob ng bahay. si rusty tumatakbo papunta sa direksyon namin hawak niya ang cellphone niya.
"Can i get ur number?" Nagulat ako sa sinabi ni rusty.Napahawak ako sa braso ko matapos diinan ni eunwoo ang braso ko.
"No!"
"Why" sabi ni rusty na nakatungo.
"Kasi pag binigay ko sayo number ko wala na akong number" tinignan ko si rusty na ngayon ay nag pipigil ng tawa. Ang weird naman ni incheck.
" no! I mean pahingi ng number mo para minsan matawagan kita" ngumiti pa siya sa akin. na wala na naman ang mata niya.
"Ahhh ilan bang number kaylangan mo."
"Ilan ba ang sim mo" sabi ni rusty habang naka ngiti nanaman sa akin ang weird niya talaga.
BINABASA MO ANG
GIRL REVENGE
DiversosKailangan bumawi ni yannie sa mga kasalanan nagawa ng mga tao sa kanya. At upang mapasakanya ulit ang pinakamamahal niyang lalaki.