Chapter 9 -- The Rumors

14.9K 189 26
                                    

Chapter 9 -- The Rumors

 ------------------------------

Ian's POV

 ------------------------------

"IAN! ASAN KA NANAMAN GALING?!" galit na sigaw ng nanay ko. "4 AM NA OH! IKAW BATA KA MASYADO KA NG GALA!" 

"Ma, nag-date lang kami ni Elle. Huminahon ka." 

"ELLE KA NG ELLE! ELLE NG ELLE! EH PATAY NA YANG GIRLFRIEND MONG WALANG KWENTA! AT SINABIHAN NA KITANG WAG NA WAG KA NANG PUPUNTA DOON SA LECHENG " 

"Talaga nay? Wala syang kwenta?! Kung makasalita ka para kang may kwenta dito sa bahay ah? Ano bang silbi mo dito? SIGAWAN ANG MGA TAO NA PARANG WALA NG BUKAS? Mas mahal ko si Elle kaysa sayo Nay. Umayos kang matanda ka!" sinaraduhan ko sya ng pinto. 

Napabuntong hininga nalang ako. 

Ganito talaga kami ng nanay ko. She's not even my real mom. Ampon lang kasi ako at never kong sinubukang mahalin ang mama ko. Hindi nya ako mahal eh! Eh di wala din akong pake sakanya. 

At isa pa, hindi sya pabor kay Elle. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit kailan hindi ko syang nakita na puriin si Elle. 

"Elle patawarin mo ang nanay ko." inilabas ko ang litrato ni Elle sa bulsa ko at hinalikan ito. 

 ------------------------------

8 AM

 ------------------------------

Nakabihis na ako at lahat lahat. Pupunta ako ngayon sa police station. Ichecheck ko kung may resulta na ang pagiimbestiga nila sa kaso ni Elle. 

Hinding hindi ako titigil sa paghahanap sa pumatay sakanya. Kahit araw-arawin kko pa ang pagpunta sa pulis. 

Nagluto ako ng noodles at kinain ito habang nanonood ng TV. Maya't maya aalis na din ako. 

"Ian? Saan ka pupunta? bakit ka nakabihis ng ganyan?" bumaba si mama sa hagdan. Mukhang bagong gising lang sya. 

"Wala kang paki." 

"May paki ako sayo kasi anak kita." 

"Sinungaling. Kung may paki ka sakin eh di dapat hindi mo pinagsasabihan ng masama si Elle." 

"Anak patay na si Elle. " 

"Para sayo patay na sya. Para sakin, hinding hindi sya mamamatay." inubos ko na yung noodles at tinapon sa basurahan. "Mauna na ako." 

Lumabas na ako sa bahay na parang impyerno na para sakin. Araw araw pare-pareho ang nangyayari:  sesermonan at sisigawan lang ako. Ni wala man lang syang bahid ng awa sakin at kay Elle.

 ------------------------------

Pumasok na ako sa police station.

"O Ian! Nandito ka na pala. Maupo ka." sabi ni chief officer Luke.

"May nahanap na po ba kayong ebidensya? Sa sanhi ng pagkamatay ni Elle?" 

The Ghost Is OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon