Chapter 2 -- False Alarm
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ian's POV
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
loves.. miss na kita..
Tinitignan ko ngayon yung picture nya sa cellphone ko. Namimiss ko na talaga sya kasi ilang araw na kaming hindi nagkikita.. Siguro kung wala lang kaming projects ngayon nasa mall kami .. Masaya habang kasama ang isa't isa.
hayy.
"Ian!" sigaw ng nanay ko.
"Ano nay?"
"YUNG BAYAD SA KORYENTE ASAN NA?!"
"Nay.. Pasensya na nagastos ko sa ibang bagay eh... pero ---"
"ANOOO?! SAAN MO GINASTOS?.. DYAN NANAMAN SA ELLE NA YAN? YANG GIRLFRIEND MONG GOLD DIGGER?"
"Nay! Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Elle. Akala ko ba nagusap na tayo dito?"
"Aba'y hindi talaga ako titigil hangga't hiwalayan mo yang walang hiyang babae na yan! Tignan mo halos kakapiranggot nalang ang kontribusyon mo sa pamilya natin!"
"PERO NAY KAYO BA MAY KONTRIBUSYON KAYO? YANG MGA PERA NA BINIBIGAY KO SENYO NA PANGGASTOS SA ARAW ARAW, GINAGASTOS NYO NAMAN SA ISANG BAGSAKAN EH! ANO BA KLASENG NANAY KA?" sinigawan ko sya at hindi ko naiwasang magtapon ng vase sakanya sa sobrang galit.
"Lumayas ka!"
"Aba talagang lalayas ako. Pupunta ako sa mall ngayon eh." sabi ko at lumabas na ng bahay.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pagkadating ko sa mall sinalubong ako ng mga kaibigan ko sa Mcdo
"O pre musta"
"O ayos lang."
Umupo na kami at nagkwentuhan.. Maya onti may nareceive na call yung kaibigan ko kaya natahimik kaming lahat..
"ANO? NADISGRASYA SI ELLE?!"
Napatinign ako sakanya. "GIVE ME THAT PHONE!"
Inagaw ko sakanya yung phone nya at nagsalita sa kung sino man ang nasa kabilang linya. "Hello?! ANo nangyari kay Elle? Asan sya ngayon?!"
"Ian..?" boses ng matandang lalaki ang bumungad sakin.
"Sino ka?"
pagkatapos nun binaba na nya yung phone."Shit sino yun pre?" tanong ko sa kaibigan ko.
"Di ko alam, di sya naksave sa contacts ko. Puntahan mo na si Elle pre baka kung ano na nangyari. Tawagan mo."
Tinawagan ko si Elle at after 3 rings sinagot na nya ito.
"Ian?"
"Elle. May nagsabi sakin na nadisgrasya ka daw. Okay ka lang ba?"
"Oo Ian ok lang ako. Nandito ako sa bahay, naglilinis ng kwarto. Bakit? May problema ba? Sino ang nagsabi sayo nun?"
"B-basta may tumawag.. Di namin alam kung sino.. Sigurado kang okay ka lang?"
"Yup Ian I'm really fine. Prank caller lang yun... Ay sige, teka tinatawag na ako ni daddy. Bye!" at sinara nya agad.
"Ano sabi?" sabi ng mga kaibigan ko.
"Okay lang daw sya nasa bahay daw sya.." natataranta kong sinabi habang pinupunas ko yung mukha ko.
"Okay lang naman pala eh. Nantritrip lang yung tumawag. Just in case eto isave mo number nya.. 0927*******"
"Pero pre mukhang matandang lalaki ang tumawag eh." I shook my head. "Wala talagang magawa yun."
Grabe talaga ang pagalala ko.. Akala ko kung ano na..