Chapter 10 -- The Unknown Text Message
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ian's POV
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pagdating ko dun lahat sila namumutla at parang kanina pa nila akong hinhiintay.
Nandun sila Jasper, Kaye at Matt. -- Mga kaibigan namin ni Elle.
"Ian, tignan m-mo tong c-cellphone ni Elle." inabot sakin ni Jasper yung cellphone ni Elle.
"A-akala ko b-ba kasama to s-sa sinunog?" nanginginig na ako sa pinapakita nilang ugali. Para bang takot na takot sla na hindi maintindihan? Ang puputla na ng mga mukha nila.
"B-basahin m-mo lang p-lease." sabi ni Kaye.
'Wag kang sumigaw' nakalagay sa inbox nya from an unknown number.
"0927*******? Kaninong number to?" natibayan ako ng loob.
"Ian natatakot na ako!!" sigaw ni Kaye sabay yakap kay Matt. "Ian please wag ka ng lumapit samin. Please! Gusto na namin matahimik! Matagal na sana naming kinalimutan si Elle pero nagpakita ang cellphone na yan sa bag ko kani-kanina lang!"
"O-oo nga. Habang kumakain kami bigla nalang tumunog yung cellphone na yan sa bag ni Kaye." sabi ni Matt.
"Pero impossible naman na bigla nalang mapupunta sa bag mo yun. Diba sinunog na to?" sabi ko.
"YUN NA NGA YUNG POINT EH!" sabay nilang sinabi.
"M-may nakuha din akong text galing kay Elle. Kani-kanina lang dn."
pinakita ko sakanila ang cellphone ko na may laman ng text ni Elle na:
'malapit na sya'
Tinakpan ni Kaye ang mukha nya at umiyak. "Natatakot na ako ng sobra sobra. Bakit ba nagpaparamdam ulit sya?!"
"Hindi ko din alam." napakamot ako.
------------------------------
Page 4
Nagparamdam si Elle gamit ang cellphone nya.
may nagtext sakanya ng 'wag kang sisigaw' na number na 0927*******.
tinext din nya ako na 'malapit na sya'.
------------------------------
Pagdating ko sa bahay agad kong nireview mga nakalap kong information.
... 0927*******..
Kaninong number yun? Dapat malaman ko na agad kugn sino ang nagmamay ari ng number na yun. Globe number yan eh. Globe din si elle. Kung sino man ang nagtext sakanya nun, panigurado may kinalaman sya sa kaso ni elle.
'Wag kang sisigaw'.
Ibig sabihin, kung sino man ang nagtext skanya nun, kasaa sya sa mga pumatay kay Elle.Sinasabi nya kay Elle na wag syang sisigaw upang di sya marinig ng kapitbahay.
'malapit na sya.'
Tinext sakin ni Elle. Posibleng nagpaparamdam talaga si Elle samin. Posibleng malapit na sa paligid ko ang pumatay kay Elle. Pero sino?
Pero imposible na after 4 years, bigla nalang lilitaw ang text na yun.
Hindi kaya, galing yun sa past messages ni Elle?
Pero bakit kailangan pang itext kay Elle ang ganung mensahe, kung nasa harap na nya ang killer?
Hindi kaya, ang nagsend nung text ay hindi killer, kundi kasamahan nung killer?
Kailangan kong malaman kung sino ang nagmamay-ari ng number na yun. At kung sino man sya, ...
humanda sya sakin.