Chapter 8 -- Memories Of Her
------------------------------
Ian's POV
------------------------------
"H-happy 6th anniversary satin loves." ibinaba ko yung dala kong rosas sa harap ng puntod nya.
"Kamusta ka na? Ok ka lang dyan?"
tila parang kausap ko lang yung sarili ko. Siguro kung may makakakita sakin dito, mapapagkamalan nila akong baliw.
Baliw. baliw na baliw kay Elle.
"Loves di pa din ako nakakamove on eh. Sorry ah? Mukhang di ko mapapatupad yung promise mong magmamahal ako ulit. Diba sabi mo dati kapag nagbreak na tayo o nagkahiwalay ng landas, gusto mo may ibang makaranas ng pagmamahal ko..? Sorry. Di ko kayang magmahal ng iba.. Nagiisa ka talaga."
Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko.
"Pero alam mo Elle, ok lang naman sakin na maging ganito tayo. Yung kahit wala tayong mutual na pag-usap, sapat na sakin yung nakakausap kita araw araw." napaupo ako sa tabi nya.
Elle bakit ka ba nawala?
Pinikit ko ng sandali mga mata ko. Dinama ko yung malamig na hangin na kanina pang umiikot sa paligid.
Ikaw ba yan Elle?
Binuksan ko ang mga mata ko.
"Oi pare nandito ka pala." dumating yung kaibigan kong si Jasper na may dala ding mga bulaklak. "Para kay Elle."
"Salamat."
Umupo sya sa tabi ko.
"Kanina ka pa ba dito?"
"Oo. Kausap ko si Elle."
Natahimik sya.
"... Hindi ka pa ba nakakamove on dun sa nangyari?"
"Hindi eh. Hello, girlfriend ko yan pare. Mahal na mahal ko yan."
"Kaming mga kaibigan nya nakapagmove on na. Eh ikaw?"
"... Kinalimutan nyo na pala sya?"
"Hindi sa ganun." tinignan ni Jasper yung litrato ni Elle, atsaka ibinalik ang mga mata nya sakin. "Pero hindi na namin dinadama ang pagkawala nya. Syempre kahit ganunpaman, nandito pa din sya sa puso namin."
"Parehas na din yun gago." natawa ako saglit.
"Bat ka nga pala dumalaw?"
"Wala lang. Sabi kasi ni Kaye dito ka daw pumunta. Eh di sinamahan na kita."
"Ganun? Ok." tumayo na ako. "Aalis na ako. May date pa kami ni Elle."
"D-date? Eh pano yan --"
Natigilan sya. Alam na nya kung ano yung ibig kong sabihin sa 'date'.
"Pare sigurado ka? Diba sabi ng magulang mo wag na wag mo nang gagawin yun?"
"Miss ko na sya. May magagawa pa ba ako?"
"Hayy. Di ka pa rin talaga maka-get over sakanya." he shook his head at tinignan yung litrato ni Elle, "Hoi Elle, lakas ng tama mo dito sa kaibigan ko ah?"
Ngumiti lang ako at kinuha ang litrato nya. "Sige mauna na ako."
"Bye bro."
"Bye."
Sumakay na ako sa motor ko at dumiretso duun sa lagi naming pinag-dadate-an.
Isa syang abandoned restaurant. 4 years na itong sarado.
Dati namin itong pinupuntahan ni Elle para magdate. This is our favorite spot. Maraming pwedeng gawin dito eh.
Pwede kang kumain, o magovernight, o pumunta sa rooftop para tignan yung mga bituin kapag gabi. Ang maganda, unti lang yung mga tao na pumupunta dito kaya minsan nasosolo namin ni Elle yung lugar. Pang-lovers talaga yung restaurant. May discount din pag pumupunta ako dito kasi tito ko ang may ari.
4 years nang sarado, pero nakakapasok pa rin ako. Binigyan ako ng duplicate key ni Tito William. Pwede daw kami ni Elle magdate dito kahit anong oras naming gusto.
Pero.. kasabay ng pagsarado ng restaurant... ang pagtatapos ng buhay ni Elle.
Tumulo ang luha ko habang paakyat ako sa rooftop ng building. Mas hinigpitan ko ang hawak sa litrato ni Elle.
Pagdating ko sa tuktok humiga na ako at itinabi sakin yung litrato nya.
"Elle ang ganda ng langit oh."
Tinignan ko ang mga bituin. May isang bituin na parang pakislap kislap pa. Tas yung isa parang unti unti ng nawawala.
"elle, ikaw ba yung kumikislap kislap?"
Lumakas yung hangin.
"Elle I miss you. Bumalik ka na sakin please."
Pinikit ko ang mga mata ko.
"Hindi ako pwede magpakamatay.. Hindi ako mapapatawad ng Dyos." nangilid ang luha ko.
Lumakas lalo ang hangin...
At unti unti na pala akong nakatulog.